Kabanata 37°

361 12 0
                                    

Chapter 37

Steph POV:

Iiwasan ko ang bestfriend ko?

Iiwasan ko na si Tina.

Lalayuan ko na sya.

Alam kong mahirap rin ito para sa akin pero kakayanin ko.

Alang-ala kay Glen, gagawin ko ang gusto nya.

Mahal ko sya eh, kaya kahit magmukha akong tanga, ayos lang.


"Bessy, ginawan na pala kita ng project dahil alam kong busy ka. Tingnan mo at
magagandahan ka sa ginawa ko.", saad ni Tina sa akin ng makita nya akong nakaupo sa sulok.

"Hindi ko kailangan yan. Gagawa na lang ako ng akin.", malamig na tugon ko sa kanya at idinako ng mata ko ang mga punong nasa labas.

"Hala, choosy ka pa Steph ha. Ginawan na nga kita. Hello, deadline na kaya ngayon.", wika nito at inilapag nya ang folder sa aking desk.

"Ayoko nga diba? Hindi ka ba nakakaintindi non?", inis sa sambit ko at tumayo na ako sa aking pagkakaupo.

"Teka nga, bat parang ang taray mo yata ngayon Steph? Yung totoo, may regla ka ba?", tanong niya sa akin at idinaan pa talaga sa biro.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo.

Gusto kong yakapin ang bestfrend ko. Pero hindi na pwede eh.

"Wala nga. Ang kulit mo. Tsk.", bigkas ko kay Tina at linampasan ko na sya.

Alam kong sa oras na ito,nasasaktan ko na ang bestfreind ko.

Tumungo muna ako sa may paborito kong tambayan.

As usual, dito ko binubuhos ang sakit na nararamdaman ko.

At di nga nag-laon, napaluha ako.
Ang sakit din para sa akin ang ginagawa ko kay Tina.

Pero asawa ko na si Glen at responsibilidad ko na sundin sya.

"Wow, ang sweet mo naman Glen. Thank you ha.", rinig kong sambit ng isang babae.

Napamulat ang aking mata na kanina'y nakapikit. At parang naestatwa ako sa aking nakita.

Hindi si Samantha ang babaeng kasama ni Glen, kundi si Shaira. Ang babaeng kilalang malandi dito sa campus namin.

Halos kita na ang kanyang kaluluwa dahil sa maiksing palda na suot nito.

Pero mas lumaki pa ang mata ko nang makita kong nakapulupot ito sa binata.

Bakit ganon?

Bakit wala lang kay Glen ang ginagawa sa kanya ni Shaira?

Gusto kong sabunutan ang babae at sabihin sa kanya na asawa ko ang lalaking linalandi nya.

But I can't dahil alam kong ako ang makakalaban ni Glen.

Ang sweet nilang tingnan, at halos lahat ng mga estudyanteng dumaraan ay pinagtitinginan sila.

"Nga pala Shaira, bukas pumunta ka sa hotel. Text ko na lang sayo ang address.", wika ni Glen rito na ikinatigil ng pintig ng puso ko.

Hotel?

Pinapupunta ni Glen si Shaira sa hotel na tinitirhan naming dalawa?

"Yeah sure. Free naman ako bukas.", malanding tugon naman ng dalaga at saka sila umalis papalayo sa gawi ko.

Hindi ko na alam kung ilang beses na ba akong lumuha.

Ang hina ko na yata. Lagi na lang kasi akong umiiyak.

Hanggang kailan ba ako magpapakatanga?

Hanggang kailan ba ako magtitiis?

Akala ko ba ang girlfriend nya ay si Angel na tinawag nyang sweetie dati.

Nalilito na ako .

Hindi ko na alam ang totoo.

Ako ang asawa pero iba ang kasama nya.
Siguro ikinahihiya nya ako.

Gumugulo tuloy sa isipan ko kung ano bang nangyari sa tatlong taon na di ko sya nakita?

Ano bang nangyari sa kanya at ganyan na sya kung kumilos?

Hindi na sya ang Mr.Mysterious na nakilala ko noon, na sobrang bait.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now