Kabanata 2°

821 30 1
                                    

Chapter 2

Lance POV:


Ang babaeng yon, grabe!

Masyadong matapang!

Hindi yata sya nadala sa pakindat effect na ginawa ko. At talagang nagawa nya pa akong buhusan ng coke sa mestiso kong mukha.

Tsk. Hindi tuloy ako makapaniwala dahil first time lang yun nangyari sa akin.

Pero teka, ako si Lance Agustin.

Hindi nya ba ako kilala?

Ako lang naman ang nag-iisang anak ng principal ng paaralan na to.

Sa madaling salita, pagmamay-ari namin ang campus na ito.
Tapos ganon lang ang gagawin ng babaeng yon sa akin na parang di ako kilala?

Ang dahilan kung bakit binato ko sya ng bola ay dahil sa mga ka-team ko.

I admit na maganda sya pero shit lang!
Dahil sa kagandahan nya,natalo kami. Yung mga ka-team ko kasi, titig na titig sa kanya.

Halos sya ang naging sentro ng lahat at nawala sa bola ang concentration nila. Kaya ayon, sa unang beses natalo kami. Pero sa ngayon, isa lang ang tumatak sa isipan ko.

'Welcome to my life, Ms. Ganda.'

Steph POV:

(Flashback)

"Dad please, payagan nyo naman po akong mag outing. Promise, I will take care myself po.", pangungulit ko sa aking ama habang nakataas-kamay pa.

Kung nagtataka kayo, sa Paris ako nakatira pero gaganapin ang outing namin sa Pilipinas.
Balita kasi namin ay magaganda ang beach don.
Nga pala, I am Stephanie Gab
half filipino ako kaya marunong ako mag tagalog.

"But Princess, napakalayo ng Pilipinas. Ayoko lang na mapahamak ka.",wika nito sa akin na may pag-aalala sa boses.

Well ang totoo nyan, naiintindihan ko si dad. Ayaw nya lang maulit muli ang nangyari kay mom. Ang mom ko kasi nakidnap dahilan ng pagkamatay nya. Mayaman kasi kami kaya lapitin kami ng disgrasya.

"Dad, I know and I do understand you. But please, kahit ngayon lang, payagan nyo naman ako. Ayoko na palagi na lang ako nandito sa mancion. I want also to enjoy. And don't worry, kasama ko naman po ang mga teachers and classmates ko. So please, please dad.", pangungulit ko muli na may pagmamakaawa sa aking mukha.

Hindi naglaon pinayagan ako ni dad. Naging masaya ang outing namin sa Pilipinas, hanggang sa dumating yung point na hindi ko inaasahan ang lahat. Matapos kasi ang outing namin ay pumasyal muna kami ng mga kaibigan ko. At ganon na lamang ang aking kaba ng mangyari ulit ang nangyari kay mom sa akin .

Nakidnap kasi ako kaya halos takot ang syang bumalot sa akin sa mga oras na iyon.Hindi na nakayanan ng sarili ko at nawalan ako ng malay.
At sa pagdilat ng aking mata, isang maamong mukha ang bumungad sa akin. Sisigaw na sana ako kaya lang bigla nya akong pinigilan.

"Wag kang matakot Steph, hindi ako masamang tao, niligtas kita.", sambit nito.
Tiningnan ko naman sya ng maigi para kompirmahin kung nagsasabi ba sya ng totoo. Pero teka, kilala nya ako?

"Kilala mo ako? Bakit mo ako kilala? Taga-san ka ba?", sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Pero sa halip na sagutin nya ang tanong ko ay bigla syang ngumiti. And narealize ko na sobrang gwapo nya pala lalo na sa malapitan. Hindi ko maipaliwanag pero ramdam kong ligtas ako sa kanya.

"Kumain ka na muna, alam kong gutom ka na.Hayaan mo pakatapos mong kumain ay ipapasyal kita.", saad nya sa akin na alam kong iniiwasan nyang sagutin ang mga tanong ko. Kaya't hindi ko na muna sya kinulit pa sa halip ay kumain na ako.

Wait, ginisang pechay ba ang tawag dito sa ulam ko? Pero hmmm, masarap nga.

Matapos kong kumain ay pumasyal na nga kaming dalawa. Halos minu-minuto rin akong tawa ng tawa dahil sa mga biro nyang dala. Hindi ko tuloy namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa kanya. Nakakatawa mang isipin na kahit isang araw ko lang syang nakilala, minahal ko na ang tulad nya.


Ang lamig din ng panahon, siguro dahil sa gabi na. Naisipan naming umupo sa buhangin para makapagpahinga. Naramdaman ko naman ang pag akbay ng binata sa akin para di ako lamigin. Syempre di na ako umangal noh, ang gwapo nya kaya.

Ewan ko ba, pero feeling ko matutunaw na yata ako sa mga titig at ngiti nya kaya marahan kong ibinaling ang aking tingin sa mga tanawin na nakikita ko.

"Ang ganda pala talaga dito noh?", pag-oopen ko ng topic sa pagitan namin. Masyado na kasing tahimik kaya binasag ko muna saglit ang katahimikan.

"Yeah, maganda talaga dito. At mas lalong gumanda dahil nandito ka.", wika nito na alam kong nakangiti na naman.

Sus maryosep! Pumula yata ang mag kabila kong pisngi.

"Hehehe, nambola ka pa. But seriously, thank you for saving my life.", ngiting wika ko na rin sa kanya.

"Wala yon. Tungkulin ko naman talagang iligtas ka Steph.", saad nito sa akin na parang kilala nya ako.

"Tungkulin? Para saan at bakit?",'sunod-sunod na tanong ko muli sa kanya pero tumawa lang sya bago sumagot.

"May dahilan kung bakit kita kilala at sa mga tanong mong yan, may tamang panahon para sagutin ko yan.", wika nito na sobrang weird pakinggan.

Sa oras na iyon, sinabi ko sa sarili ko na dapat ko na syang kilalanin.
Hanggang sa napagdesisyunan kong alamin ang lahat ng tungkol sa kanya. Kaso ganon na lamang ang aking pangungulila nang iwan nya ako.
Dahil nung magising ako, wala na sya sa tabi ko.
Wala na yung binatang nagligtas ng buhay ko.

~End of Flashback~

Yan ang dahilan kung bakit andirito pa rin ako sa Pilipinas.
At yan rin ang dahilan kung bakit patuloy ko pa ring hinahanap si Mr.Mysterious.

Napabuntong-hininga na lamang ako ng maalala ko muli iyon.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now