Kabanata 3°

717 26 0
                                    

Chapter 3

Steph POV:

Umaga na naman at kasalukuyan akong nasa classroom.

Kung minamalas ka nga naman at nag iisa pa lang ako. Pero di-bale at manonood na lamang muna ako ng k-pop video para naman di ako makaramdam ng pagkabagot.

'Ang gagwapo talaga ng mga BTS at EXO, makalaglag panty ang kagwapuhang taglay nila.', mahinang sambit ko sa aking sarili.

"Hanggang pangarap ka na lang Ganda. H'wag ka ng umasa.", sulpot na saad ng isang lalaki mula mismo sa aking likuran. Muntik ko na ring mahulog ang phone ko dahil sa gulat. Nang lingunin ko ang lalaking nanggulat sa akin ay agad akong napatayo.

"Ikaw?! Ikaw na naman?! Hindi ka ba nadala sa pag buhos ko sayo ng coke?! O baka naman stalker ka!", sigaw ko sa kanya. Para kasi syang kabute na bigla na lang susulpot. Yes, si Mr.Bola ang tinutukoy ko. Ang taong kinaiinisan ko!

"Ganda, mga pangit lang ang stalker. Sa gwapo kong to ay hindi ako nababagay maging stalker mo.", confident na wika nya.
Aba! Ang Bola na to, proud na proud sa saril! Kapal talaga ng face.

"Tsk. Gwapo na ba ang tingin mo sa mukha mong yan? Hindi kasi halata Mr.Bola.", wika ko sa kanya na may halong pang-iinsulto.

"Aray naman ganda. Below to the belt na yun ha. Kung laitin mo ako parang wala kang atraso sa akin. Saka teka nga, hindi mo ba ako kilala?", tanong nito na parang di makapaniwala.


1--2---3--4--5--6.

Anim na segundo ako natigilan sa tanong nya at bigla akong tumawa. Seriously, tinatanong pa ba yan? Syempre di ko naman sya kilala dahil wala akong panahon para kilalanin sya.

Si mr.mysterious lang ang gusto kong makilala noh.


Tiningnan ko naman ang reaksyon ng mukha nya.

Sobra yatang nagulat si Mr.Bola sa pagtawa ko.

Parang sinasabi nya sa mata na, 'are you serious na hindi mo talaga ako kilala?'. Kaya naman awtomatikong napataas ang aking kabilang kilay.

"Oi Mr.bola, wala akong atraso sayo! At simula't-una pa lang, ikaw itong nanguna! Kung hindi mo ako ininis kahapon edi sana di kita bubuhusan ng coke! And wow lang ha, hindi kita kilala dahil hindi ka naman famous!", mataray na sambit ko muli sa kanya.

"Maganda ka sana, napakadaldal mo naman", saad nito sa akin.

"Alam ko naman na maganda ako noh, kaya wag mo ng ulitin, dahil truth can hurts. So please lang ha, umalis ka na dito! Shoo shooo! Hindi ka naman siguro ang may ari ng paaralan na to! Kaya alis!", pantataboy ko rito. Pero gaya ng ginawa kong pagtawa sa kanya ay siya na rin itong tumawa sa akin

"You know what ganda, para kang alien. Hindi mo kilala yung kaharap mo!", natatawang saad nya.

''OYY BOLA, wala akong oras na kilalanin ka! Umalis ka na nga!", bulyaw ko ulit rito.

"Don't worry ganda, aalis ako pero dapat kasama ka.", sambit ng binata at wala pasakalyeng hinila ako palabas ng room.


"Bitiwan mo nga ako! Kidnapping na ang ginagawa mo ha! San mo ba ako dadalhin?! Tarantado ka! Rapist!", pag sisigaw ko habang hila-hila ako ng lalaking to.

Kung titingnan ay parang mag kaholding-hands na kami ngayon.

"Ayaw mo non, gwapo ang nagkikidnap sayo. Saka kung maging rapist man ako, swerte mo, ikaw itong una kong marerape.", kindat na sambit nya. Like ewww. Nakakakilabot ang Mr.Bola na to!

Maya-maya ay nahinto kami sa office ng PRINCIPAL.
Yan agad ang nabasa ko kaya awtomatikong lumaki ang mga singkit kong mata.


"Ba't mo ako dinala dito?!", sigaw na tanong ko sa kanya.

"Pumasok ka, para malaman mo ganda.", wika nito sa akin.

Tinarayan ko muna sya bago ako pumasok sa loob ng principal office.
Nakita ko naman agad ang principal na nakaupo.


"So you must be Ms.Stephanie Gab? Am I right?", tanong niya.

"Yes maa'm.", sagot ko.
Tinuro nya naman ang chair para ipahiwatig na umupo ako.

"Siguro naman ay alam mo na kung bakit kita pinatawag.", paninimula nito.Umiling naman ako bilang tugon.

"Hindi ko po alam kung bakit mo ako pinatawag Ma'am.", pagsasabi ko ng totoo sa kanya.

"Ganon ba? Well, it just about your punishment. Kahapon kasi ay may isang estudyante ka raw na binuhusan ng coke.

So sa tingin ko naman ay alam mo na ang mga rules and regulations ko dito sa paaralan, tama ba?", mahabang litanya nito.

Patango-tango na lamang ako dahil sa kabang nararamdaman ko.

'Hays. Sana naman hindi mabigat ang punishment ko.'


Tiningnan kong maigi ang principal na kaharap ko at maya-maya'y bigla itong tumayo.

"So I decided na ang punishment mo ay maglinis ng campus for a week.", wika muli nito.

Teka, ano ulit yon?

Maglilinis ng campus?

For a week?


"Maa'm naman! Hindi naman talaga ako ang may kasalanan ng lahat! Yung Bola na yon ang nanguna!", sigaw na maktol ko rito.

"Sinisigawan mo ba ako Ms.Gab?", taas kilay na tanong niya.

"Hindi po Ma'am, nagpapaliwanag lang.", tipid na sagot ko.

"Then I dont need your explanation Ms.Gab. You may now go.", wika nito sabay turo ng pintuan.

Wala na akong nagawa kundi ang umalis na lang sa harapan ng principal.
At nang makalabas ako, bumungad sa akin ang mukha ng demonyong ngising-ngisi.

"Gagantihan kita Mr.Bola! Tandaan mo yan!", sigaw ko sa mismong pagmumukha ng lalaki.

Linapit naman nya ang kanyang mukha sa mukha ko na animo'y ilang pagitan na lamang ang labi naming dalawa.

"Ok ganda. I will wait for that.", smirk na tugon nya.

Grrrrrrrrr. Bwisit talaga sya!

LOVING THE HELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now