Chapter 38

712 44 0
                                    

Living in a mansion

Nakatingin lang kami pareho sa kisame habang hinahabol ang aming hininga.

Nakita kong tumingin siya sa akin mula sa peripheral vision ko. Laki ng ngiti nito at mapupunit na ang mga labi.

"That was great." Tumingin ako sa kanya at nakatingin na ito sa kisame. Hinawi pa niya ang buhok pagkatapos niya iyong bigkasin.

Tumingin na rin ako sa kisame. Ngayon ko lang napansin na wala pala ni isa sa amin ang may saplot ngayon. "Sigurado ka bang walang tao sa mansyon niyo ngayon?" Tumango siya.

"Bukas pa babalik ang mga maids. I saw this coming so don't worry no one heard you screaming my name."

Hinampas ko siya nang malakas. Ngiting-ngiti pa 'to. "Ano ba? Gusto mo rin naman."

Tumawa naman siya. "Yeah." Tumahimik kami saglit bago siya magsalita ulit. "Am I your first?"

"Yes." Nahihiya kong wika. Baka hindi siya satisfied kaya niya naisip 'yun.

"Really? Ha, you were great though. Promise me that I'll be the second, the third and everything."

Ngumisi ako. "Exclusive for Luke only." And poke his nose using my finger.

Pumunta ako ng cr para maglinis. Ayun ang turo sa akin ni Antoinette in case daw na mapasabak na ako sa laban. Gaga talaga yun.

Pagpasok ko sa cr niya dun ko lang ulit naalala kung gaano siya kayaman. Pwede ng matulog dito sa lawak. Pumasok ako sa shower pagkatapos kong masiguradong malinis na ang pwet ko. May divider ito na salamin para makita pa rin ang nasa labas.

Binuksan ko ang shower at hinayaang bumagsak ang tubig sa aking katawan. Nakakarelax ang bawat bagsak ng tubig sa katawan ko. Kinuskos ko ang buhok at hinayaan lang malaglag ang tubig sa mukha ko.

Nagulat ako na nakiliti nang may humawak sa bewang ko. "Can I join?" Bulong niya sa tainga ko.

Duh. Pumasok ka na, makakahindi pa ba ako?

Sabay kaming nagshower ni Luke at nagnanakaw ng kaunting halik pero hanggang dun lang. Nakakapagod kaya tigil-tigilan niya ako.

Kahit matagal, natapos din kami sa pagligo. Kung hindi lang kami maharot mabilis lang talaga pero masyado kaming nag eenjoy maglandian sa cr kaya ayan.

Nanghiram ako ng damit niya at humiga na rin pagkatapos magbihis.

Nag text na ako kay mama na makikitulog ako kanila Antoinette dahil wala siyang kasama sa bahay. Pumayag naman ito at 'K' lang ang sagot.

Nilapag ko ang phone sa side table at pumikit na.

"Goodnight Belle." Wika niya at hinalikan ako sa noo, ilong, labi at leeg. Medyo tumagal sa leeg kaya tinapik ko ito na kinabungisngis niya.

"Goodnight. Tumigil ka na."

***

Nagising ako dahil na rin siguro mahaba na ang pagkakatulog ko at mata ko na mismo ang nagpumilit na bumukas. Nilibot ko nang tingin ang paligid, muntik ko ng makalimutan na nandito ako sa bahay ni Luke. Nakita kong hindi pa rin niya tinatanggal sa dingding ang nakabukas na christmas lights. Magulo din ang kama na parang dinaanan ng bagyo. Well, meron naman talaga. Wala na rin si Luke sa tabi ko. Tanging ako na lang ang nandito sa kwarto.

Bumangon ako, hinding-hindi nagiba ang pagkakagulo ng kwarto mula kagabi. Sanay na si Luke na may naglilinis para sa kanya.

Baka kumakain na siya sa baba kaya susunod na ako doon.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at pumasok ang liwanag sa labas ng kanyang kwarto. Ngayon ko lang napansin na nakapaa lang ako at suot ang t-shirt ni Luke na sa sobrang laki sa akin hindi na nakita ang pangibaba na suot-suot ko.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now