EPILOGUE

757 45 13
                                    

Madaya ang oras.

Minsan ipaparamdam niya sa'yong maayos na ang lahat ngunit madalas ipapaalala nito ang mga bagay na iniwan at pinipilit mong kalimutan.

Hindi ako naniniwalang pinapahilom nito ang lahat ng sugat. Naibabaon lang ng mga bagong ala-ala ang mga sakit at lumang memorya hanggang sa maitulak ito papunta sa kasuluk-sulukan ng ating utak.

We bury feelings. But when love's too powerful, a little spark could make a warning fire.

The good thing is I'm not alone in this feeling because we've all been through the same fate.

And the only thing that we could do is to move forward, even if it means with your scar or broken bone with it.

"Next, Ms. Sylvia Moroc." Ani ng isang babae sa HR department.

Umupo ako nang maayos kagaya ng tinuro sa amin noong college dahil ako na ang susunod. Sabi daw kasi nila nagsisimula ang pagsisiyasat sa'yo sa oras na tumuntong ka ng kanilang gusali. Nagbabasakali akong may dagdag puntos ang nakakangalay na estilo ng pag-upo.

Nang umuwi ako kay mama dalawang taon na ang nakakaraan para maghilom, lagi kong nararamdaman na may kulang. Marahil ito ay ang paggawa ko sa kung saan ako magaling. Kaya nandito ako at nagbalik.

Sa kaibuturan ko, alam kong hindi lang 'yun ang dahilan.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya inayos ko ulit ang aking upo at tumingala nang kaunti sabay ngiti. Sa tulong ng peripheral vision, kahit nasa gilid ang pinto'y nakikita ko pa rin ang mga lumalabas mula dito.

Napalitan ng gulat ang mga ngiti ko nang malaman kung sino 'yun. Hindi ko rin mapigilang tumayo, marahil sa excitement, sa galak na nagkita ulit kami makalipas ang ilang taon.

"Matthew." Ang tangi kong nasabi.

Wala akong balita sa kanya. Hindi naman siya sumasagot sa tuwing sinusubukan ko.

Ganoon pa rin ang itsura niya. Malaki ang pinagbago niya. Mukha na siyang masaya ngayon. Nakikita ko sa mata niya.

"John Belle Venille?" Pagtawag ng babae na nagaasikaso sa mga nag-aaply.

Nginitian ako ni Matthew at saka umalis. Ni isang salita ay wala itong binigkas, ngunit sapat na ang ngiting 'yun para makasigurong nasa maayos na siyang lugar.

Sinundan ko nang tingin si Matthew hanggang sa magsalita ulit ang babae.

"John Belle Venille?" Pag-uulit niya.

"Yes, that's me."

"Okay, follow me." Nagtataka man kung saan niya ako dadalhin, sumunod na lang ako. Nagbabasa siya ng kung ano habang binabagtas namin ang daan paakyat, sa tingin ko'y pinakahuling palapag.

Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdam 'to pero kinakabahan ako. Dahil na rin siguro na ngayon ko na lang ulit 'to gagawin.

Nakakadagdag sa kaba na meron ako ang ingay na nagagawa ng stilettos niya sa tuwing tumatama sa sahig na siya lamang maririnig sa buong palapag.

Hindi rin matao dito, sa katunayan niyan ay wala pa akong nakikitang empleyado.

Naglalakad kami patungo sa isang kwarto sa dulo ng hallway. Habang papalapit kami nang papalapit doon, saka ko lang naalala kung para kanino ang palapag na 'to.

Para lang ito sa mga may matataas na tungkulin o may-ari ng nasabing kompanya.

Nang nasa tapat na kami ng pinto, binuksan niya ito at agad na nagwika. "Sir, we found him."

Ako lang ang pumasok sa malaking kwarto. Nakatayo lang ako doon at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang lalaki sa tapat ko.

Nakayuko siya at nagsusulat. Tinigil niya ang ginagawa at tumingin sa akin.

After two years, I see the most beautiful eyes again. He's looking at me, right through my soul.

Time won't fly. Because all the feels that I've been hiding, suddenly explode.

The fire in me was reborn.

"Luke." Is all I managed to say.

"I waited for you, like you said. I've been really patient waiting for the right time but I'm done waiting." Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko.

I then remember how powerful his touch is. I can feel his heat giving me energy and adrenaline.

"I know I've been an asshole but I learned. I just can't lose you again."

I never lost my love for him. It's still in here, burning.

Tumango ako. Pumikit. At ninamnam ang paghawak niya sa akin.

"What we have is too powerful to vanish. So I say, let's do this one more time again?"

I didn't answer him. I couldn't move. It was all sudden.

Tinanggal ko ang kamay niya sa akin. I already made peace with my past.

And yes, what we have is too powerful to let go and his touch is so good to resist but is it worth the pain? Is it worth my sleepless nights?

Hindi ko alam ang sagot. So I did what I do best; run.

I might come back or may be not, who knows, after all these years of trauma, healing and redemption, if I will still be willing to bet on love again.

~end~

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now