Chapter 75

467 29 0
                                    

Confrontation

I am standing under the scorching heat of the sun, in front of Lara's café.

Mula dito, makikita siyang pokus sa paggawa ng kape o kung ano mang silbi ng mga makinang pinapagana niya.

I couldn't go inside. I can't even move my feet. I thought breaking someone's relationship would be easy.

But no matter how hard, I have to do this. And I'm not wasting any more time, or wait for another tomorrow.

Hindi na ako natuloy kahapon, at ito ang pinakamagandang panahon para sabihin sa kanya. Kaya bitbit-bitbit ang kaunting lakas ng loob, sinimulan ko ng maglakad papunta sa kanya.

Nang marinig ni Lara ang bell sa pinto, agad nitong sinipat kung sino ang pumasok. Binigyan niya agad ako ng magandang ngiti nang mapagtantong kakilala niya ang sanhi ng tunog.

"No customers?" Tanong ko.

"Yep. Actually, we're not open. Just here to relax. My comfort place, you know?" Sagot naman niya habang mina-maniobra ang ilan sa mga makina.

"I... We owe you guys an apology for leaving you in Zambales." Sumenyas ito sa akin, pinapaupo ako. Sinunod ko naman ang inutos niya at umupo sa isa sa maraming bakanteng upuan.

"With no apparent reason, bigla na lang siyang nagmadali na umuwi. I'm worried something is happening to him." Mahinhin niyang sagot.

"That's why--"

"As a matter of fact, ayaw pa niya akong papuntahin dito. We just compromised that I could stay here but just let it close." Hindi niya siguro narinig sa hina ng boses ko. I mean, I lost my voice.

Gamit ang inipong lakas ng loob, sa wakas nahanap ko na rin ang aking boses. "I-I need to tell you something."

"Sure thing! And while we talk, I want you to try this."

"I'm sure masarap yan." Lumapit siya sa akin at nilapag ang kape sa harap ko. Tiningnan ko muna ito. For a moment, I suspected there's poison in that coffee. But Lara's not like that.

Kinuha ko ang mug kasama ang platitong pinagpapatungan nito at humigop nang kaunti. Napatango ako sa lasa nito. Hindi ako eksperto sa paggawa ng kape pero alam ko ang pinagkaiba ng masarap sa hindi.

"So... what do you think? Please, be honest."

"Masarap siya. You should put this on your menu." Wika ko. Lumaki naman ang mga mata nito sa tuwa sa sinabi ko.

Pero hindi ako pumunta rito para makipagtikiman sa kanya ng kape. "Can I be more honest with you." Sabi ko.

Humarap ito sa akin. Napansin niyang seryoso ang sasabihin ko. Tumango siya at itinigil ang ginagawa para umupo sa tapat ko.

"Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin sa'yo. Bago lang rin ako sa ganitong sitwasyon." Panimula ko. Taimtim naman siyang nakikinig sa akin. "Pero bago mo malaman lahat, gusto ko lang sabihin sa'yo na isa kang mabuting tao at sobrang perfect mo actually. You can be a great mother."

Napangiti naman si Lara sa narinig. Pero hindi ako. "Belle, stop beating around the bush, get to the point already." Mahinahon at nakatingi niyang sabi.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now