Chapter 28

900 50 2
                                    

An unexpected discovery

"OMGGGGG!!!! Chikinini ba yang nasa leeg mo?!" Eksaheradang tanong ni Antoinette.

"'Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa'yo." Wika ko habang tinatakpan ang leeg na kasalukuyang tinitignan ni Antoinette.

"So proud sis. Hindi ka na virgin!" Mukha siyang nanay na proud na proud sa anak niya. Diyos ko. Kung alam ko lang na hindi pala agad mawawala ang hickey, hindi naman ako magpapalagay. Pero nandyan na e.

"Hanggang diyan lang naman. Hindi na umabot pa sa kung saan." Pagpapaliwanag ko.

Tinignan niya ako para sabihing hindi siya naniniwala sa akin. "Oo nga!"

"Tch. Kahit na! At least may experience ka na! Hindi ka na inosente. Thank you lord." Sabi niya habang magkadikit ang dalawang palad at nakatingala.

Hinatak ko ang siko niya para makapasok na kami. "Tara na nga. Male-late na naman tayo nito e." Habang hawak ng isang kamay ko ang siko niya pinantakip ko naman ang isa para sa mga markang iniwan sa akin ni Luke.

I'm not complaining though pero pag nakita 'to ni mama lagot ako.

Mabilis naman ang naging byahe namin at nandito na kami sa room, inaantay na lang na pumasok ang teacher namin.

"Sis. May balita ka na ba kung sino ang nasa likod ng mga posters at picture mo? Halos kasi araw-araw meron e." Wika niya.

Naalala ko nung mga nakaraang linggo. Sinubukan naming magpagabi ng bongga ng uwi para malaman namin kung sino ang may pakana ng lahat pero nabigo kami nila Antoinette at Matthew. Kinabukasan ng araw na 'yun walang mukha ko ang nakapaskil. Marahil nakita o natunugan niyang titiktikan namin siya.

"Actually meron na." Sagot ko habang nakadikit ang pisngi at balikat para maitago ng husto ang hickey ko.

Lumapit pa siya sa akin para mas marinig ang mga susunod ko pang sasabihin. "Sino?"

Lumapit rin ako sa kanya at tinignan siya. "Ikaw. Umamin ka ng bakla ka! Alam kong may inggit ka sa akin."

Hinampas naman ako ni Antoinette sa braso. "Parang tanga naman 'to! Akala ko naman talaga alam mo na. Bwisit ka talaga."

Pinapanood lang kami ni Luke na naggagaguhan hanggang sa sumabat na siya. "Anong meron at nakaganyan ka Belle?" patungkol sa pagdikit ko ng pisngi at balikat.

"Ah ito? Wala naman. Para kasing may stiff neck ako. Oo, stiff neck 'to."

"Ganyan ba kapag nagkaka-stiff neck?" Curious niyang tanong.

Mag-isip ka ng palusot ngayon din Belle at baka mahalata niyang humarot ka kagabi matapos siyang pagselosan ni Luke. "Ano kasi 'to parang stiff neck na hindi. Semi stiff neck ganon."

"May ganun ba? Semi stiff neck?" Hindi ko alam kung nagdududa ba siya o pinipilit lang niya akong intindihin.

Buti na lang ay dumating na ang teacher namin at nailigtas niya ako sa ano mang kapahamakang idudulot ng pag-uusap namin ni Matthew.

Pinaghiwalayan ko na ang balikat at pisngi ko dahil sa kaliwa naman ang hickey ko at nasa kanan si Matthew so hindi niya makikita. Taimtim akong nakikinig sa teacher namin dahil mahilig siya sa mga surprise quizzes. Kahit naman bobita ako nakikinig pa rin hindi katulad ni Antoinette.

May sinulat ang teacher sa board kaya kumuha ako ng notebook sa bag. Binuksan ko ito na nakalagay sa likuran ko at hinanap ang notebook. Tsaka ko lang narealize na nakatalikod ako sa board so ibig sabihin ang kaliwang parte ng leeg ko ang nakikita ni Matthew.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon