Chapter 42

645 36 0
                                    

Not a fan

"I don't like you." Pag-uulit pa niya.

Nakaramdam ako ng tinik sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan, kaya sumagot pa ako. "P-po?"

"Hindi kita gusto para sa anak ko. Tagalog na hijo para maintindihan mo." Mahina pero makapangyarihan nitong wika, tatak ng isang tunay na businessman. Lalong nanikip ang dibdib ko nang in-elaborate pa niya. This man standing before me, which by the way I idolize, can and may ruin what's already mine.

Nakita ko ang mukha nito, seryoso. Hindi siya nagbibiro kagaya ng naglalaro sa utak ko para kumalma ito.

"P-pero akala ko po..." hindi ko na natuloy. Wala na akong salitang mahagilap at isa pa tingin pa lang niya alam ko na ang sagot sa naputol kong tanong.

"Akala mo pabor ako? I never said that. You don't know my son. I bet you'll lose your mind if you realize why he's only hanging out with you." Great. Same line from manang. Unti-unti na akong kinakain ng kuryusidad ko.

"Anong..."

"Mi Amoré, dad! The food is waiting!" Sigaw ni Luke mula sa hapag. Hindi ko na natapos at wala na rin akong balak.

"Just a second, anak!" Sagot niya. Lumingon pa siya upang idiin na si Luke ang kausap niya gamit ang mala anghel nitong boses. Bumalik ang tingin niya sa akin at gustuhin ko man, hindi ganoong boses ang maririnig ko. "Let's make it clear, shall we? Tatawagin mo lang akong tito kapag nandyan si Luke, and the rest 'sir'. No actually, you don't have to. Hindi naman tayo mag-uusap kapag wala si Luke dahil wala naman tayong dapat pag-usapan."

Aba! Grabe 'tong isang 'to. "You think you have that power? Paano kung ayaw ko?" I didn't intend that way pero 'di ako nagsisi sa nasabi ko. Matindi ang tinginan namin, pakiramdam ko ay parehas nagliliyab ang mga mata namin lalo pa't hindi agad ito sumagot at nakipagtitigan lang sa akin.

"Yes I have, dear. Marami akong kaya at pwedeng gawin. Ano na lang ang mararamdaman ni Luke kung nalaman niyang ayaw ko sa'yo? I'm sure you don't want to see the love of your life hurt, kung mahal mo nga talaga siya." Hindi ako sumagot at maging ang mga mata ko'y nakapako pa rin sa kanya. Ano nga ba ang kayang gawin ng isang Albert Beaun?

"And by the way, don't test me. A lot of people tried but they failed." Ayan ang huli niyang sinabi bago tumalikod sa akin at humarap papuntang dining area.

"Ano po ba ang dapat kong malaman na ikakasakit ko?" Sabi ko bago pa man ito makapaglakad.

"It's not my job to tell you that, kahit ayoko sa'yo hindi ko ugaling manghimasok sa mga personal na isyu." At tuluyang naglakad papuntang dining area.

Sana hindi na rin siya nanghimasok sa love life ko diba? Hindi naman pala niya ugali yun.

Anong gusto niya? Umarte kami na okay lang siya sa relasyong meron kami? Bakit hindi na lang niya sabihin? Hindi yung papahirapan pa niya kaming dalawa. Ang hirap magpanggap na gusto mo ang isang tao kahit gustong-gusto mo na siyang murahin.

Nanatili akong nakatayo hanggang sa naisipan kong sumama na rin sa kainan. Baka makahalata pa si Luke. Narinig ko silang nagtatawanan. Ngayon ko lang narinig na ganyan kasaya si Luke. As much as I hate to admit, tama ang papa niya, masasaktan nang sobra si Luke kapag nalaman niyang ang kaisa-isang pamilya nito ay tutol pa sa kung ano ang meron kami.

Nagpatuloy lang sila sa masayang pag-uusap hanggang sa makarating ako at umupo para sabayan sila. "Anong pinag-usapan niyo? It sounds very serious." Ani Luke.

Para sa akin ang tanong, tumingin ako sa tatay niya at alam kong siya ang sasagot. "Kinilala ko lang itong si Belle. He's such a great kid." Psh. Plastic. Tumingin sa akin si Luke kaya ngumiti ako nang pilit.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz