Chapter 53

586 30 1
                                    

Captive

This place has never been crowded yet quiet before. May ilan ng umuwi pero masikip pa rin ang bahay ni tatay Selyo. Marami pa ring bibig ang nandirito pero walang may lakas ng loob magsalita. Paano ba naman? Matapos naming marinig ang nasa kabilang linya kanina na kausap ng bodyguard, wala na kaming ibang iisipin kung hindi anong nangyari sa kanya? We have a situation here, I repeat, we have a situation here. Over.

Halata sa boses niya ang takot sa kung ano mang nangyayari sa kinaroroonan nito. Dagdagan pa ang sigaw niyang nagpapahiwatig na nasaktan siya o mas malala pa. At isa pa 'tong si Tate na nag-iwan ng dalawang bodyguards, lalo tuloy akong nag-iisip ng malalalang bagay, pero sinusubukan ko namang pigilan. I don't want to feed those thoughts as they might be the monster I fear. Pero ang hirap labanan, lalo na't hindi ko masabi ang nararamdaman ko. 

Ang hirap para akong sasabog. Ang hirap kapag kinikimkim ko yung takot na nararamdaman ko.  Kung nandito lang si Luke, may nasabi na yun na magpapagaan ng loob ko. Actually kahit wala siyang sabihin, hawakan niya lang ang mga kamay ko, magiging okay na ako. Sinanay naman ako na kayanin ang lahat nang walang sinasandalan maliban kay mama pero dumating siya at pinatunayang hindi ko kailangang akuin lahat and here we are, after I let him bust down my wall and let myself be dependent on him, he left me kneeling while picking up those heart shattered because if  him, the man who promised me everything. Hmp! Bakit ba naisip ko pa yung lalaki na yun? He has no right to be on my mind right now. Belle, please 'wag ngayon. May mas dapat kang pagtuunan ng pansin.

"Baka sumakit ang ulo mo  niyan kakaisip." Sabi ni tatay Selyo. Nakangiti itong nakaharap sa akin. Tinigil ko naman ang pagtitig sa sahig at inilipat sa kanya. "Ano ba yang iniisip mo?" Dagdag pa ng matanda.

"Ahh. W-wala naman tay. Hindi importanteng bagay."

"Alam ko natatakot ka sa mga nangyayari ngayon dito, pero hindi ka pababayaan ng tatay." Nadagdagan ang guhit sa mukha nito nang ngumiti siya sa akin. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam na makita siyang ganyan ngayon. Hindi man yun ang talagang iniisip ko, natulungan naman ako ni tatay sa mga ngiti nito.

"Salamat po. Alam ko namang hindi niyo ko pababayaan e." Hinagod niya ang ulo ko na parang binibilang ang buhok doon pagkatapos kong magsalita. "Siya nga pala tay, hindi ba sabi mo walang signal dito. Bakit nakatawag si Tate sa tatay niya?" Mabilisan kong tanong para malihis ang usapan.

"Nako! Meron naman kapag pangtawag at text, makaluma  lang talaga yang si tatay kaya gusto sa liham." Sabat ng isa sa mga kasama namin sa bahay. Mukhang kanina pa sila nakikinig sa usapan namin kaya medyo nahiya ako.

Nakita kong nagngisian ang iba pang kasama namin. "Nako, masyado na kasi akong matanda para sa mga ganyan. Mas gusto ko talaga ang sulat, mas nararamdaman mo dun ang taong nagsulat noon."

Tumango na lang ako bilang sagot. Si tatay talaga.

"At isa pa, diyan ko napasagot ang asawa ko. Liham pagkatapos ng isa pang liham. Hindi ako tumigil magbigay ng sulat sa kanya kahit sinagot na niya ako." Ani niya. Iba ang ngiti ni tatay habang kinikwento ang tanging babaeng minahal niya. Hindi ko mapigilang mapangiti rin. Nakakahawa kasi ang kay tatay. Kahit wala na ang asawa niya, ginugunita pa rin ni tatay ang mga ala-ala nilang dalawa. At hindi ko maiwasang ikumpara ang kalagayan ko ngayon kay tatay. Hindi nga patay si Luke kagaya ng asawa ni tatay pero parehas naman kaming ala-ala na lang ang pinanghahawakan ang pinagkaiba lang ngiti ang dulot ng mga ala-ala na yun kay tatay, samantalang sa akin tarak sa dibdib.

"Ikaw apo, kamusta na kayo ng boyfriend mo?" Nako! Talaga nga naman at tinanong pa niya, oo. Nag-init bigla ang pisngi ko. Tinignan ko ang iba pa naming kasama at hindi nga ako nagkakamali't nakikinig sila. Lalo tuloy akong nahiya. 

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now