Chapter 51

667 34 2
                                    

Gunshot wound

Wala kaming kayang gawin kung hindi tignan lang ang lalaking dapat nasa ospital na at nagpapagaling, kinakaawaan. Takot lang kaming aminin pero ang totoo niyan kung wala pang gagamot sa kanya inaantay na lang namin ang kamatayan niya.

Nababalot na ng sarili nitong dugo ang damit na suot niya. Maging ang mga umalalay sa kanya ay namatsahan na rin ng pulang likido. Halata sa mukha niya ang kagustuhang lumaban pero at the same time kawalan ng pag-asa. Bagsak na ang mga mata nito at unti-unti na niyang tinatanggap ang mangyayari. Pero hindi ako. Hindi kami.

"Kailangan na nating magamot ang mga tama niya. Mauubusan na siya ng dugo." Sabi ko. Stating the obvious. As much as I want to help him, I am losing hope that he'll survive this. Saang kamay naman ng diyos namin kukunin ang doktor na gagamot kay manong?

Inupo muna siya ng dalawa panandalian habang makaisip kami ng magandang solusyon. Sumunod lang ito, wala na rin naman siyang natitirang lakas para kumontra.

Nakita ko si Tate na pinapadyak ang paa at nag-iisip ng pwedeng gawin. At this point in time, kahit na anong idea mula kanino is much appreciated.

Tinigil na niya ang pagpadyak at lumapit sa lalaking nagtatrabaho sa papa niya. "Umalis ka na at wala kang sasabihin kay dad. Hindi nangyari 'to. Hindi mo 'ko nakita. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sa kagustuhan ring makaalis ay tumango siya at sumang-ayon sa sinabi ni Tate.

"Oh ano pang inaantay mo? Alis na!" Dagdag pa niya at dali-daling umalis.

Inobserbahan ko lang si Tate sa mga susunod niyang gagawin. Kahit may pagka bakulaw 'to, alam ko deep down na gusto niyang tumulong lalo na't nararamdaman niyang may kontribusyon din siya sa mga nangyayari.

Kinuha niya ang phone at tumipa dito. Nag ring ang phone nito, may tinawagan siya.

"Hello son." Rinig kong sabi sa kabilang linya. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tate. Parang may masakit dito o kung ano.

"D-dad. Magdala ka ng doctor ngayon dito." At tunog ring nasasaktan. I think I know what this guy's up to.

"Ha? W-what happened? Okay ka lang ba?" Tanong ng daddy niya sa baritonong boses. Naramdaman kong concern siya sa anak niya, given that he's that kind of businessman.

"Naglalakad lang ako nang bigla akong tamaan ng ligaw na bala sa binti. Magpadala ka na ng doctor dito ngayon na please, kahit wag ka ng sumama alam ko namang busy ka." Tate's a good actor, I'll give him that. Hindi lang ako ang humahanga sa kanya, lahat ng tao na nandito. Pero hindi dahil sa magaling siya um-acting kaya ako humahanga, hindi kasi sumagi sa isip ko na gagawa siya ng mga ganitong bagay pero ngayon ito siya para sa taong hindi naman niya kakilala.

Sinabi ni Tate kung saan siya pupuntahan ng doctor na ipapadala ng tatay niya. "Okay. The doctor will be there in a minute or two."

Binaba na ni Tate ang tawag at bumalik na ang itsura nito sa normal, yung hindi nakangiti, pasan ang daigdig na mukha. Ganon.

Lumapit siya sa lalaking duguan at kinamusta ito. "Parating na ang gagamot sa'yo. Kumapit ka pa, kaunti na lang okay?" Nakapikit itong tumango. Sinuklian naman ito ni Tate ng pilit na ngiti.

Tumigil na si Tate sa kakaikot sa buong bahay at naisipan ng umupo. Tahimik lang kaming nag-aantay na may mag bukas ng pinto at magpakilalang gagamot sa lalaki.

Kanya-kanya kami ng ginagawa. Si tatay Selyo ay nakatingin sa kawalan, si Tate ay nakayuko habang magkadikit ang dalawang palad na parang nagdadasal at ako nama'y pinapanood lang sila, kahit paano'y nagsisisi kung bakit ako pumunta rito sa ganitong panahon.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz