Chapter 52

632 29 0
                                    

It's my fault

Tate

I never believed in God but I prayed. And no clue if it has connection but successful ang naging operasyon ng lalaki.

His bloods are on me too if I didn't help him. 

Nagpapahinga na siya at inaantay na lang magkaroon ng sapat na lakas para makauwi.

Gusto ko ng matapos 'to. Lahat ng 'to. Palala na nang palala ang nangyayari at ayokong may madamay na namang inosenteng buhay dahil lang gustong kumita ni dad ng malaking pera. I came here to stop him from that operation as I know that something like this will happen and here we are, just waiting for terrible things to occur again.

Naputol ang pagmumuni ko nang may kumatok sa pinto. Sinabi ko kay Belle na ako na ang magbubukas, mukha kasing hindi pa siya nakakausad sa nangyari at pilit pang pinoproseso ang mga ito.

Nagulat ako nang makita kung sino ang nasa kabilang pinto. "Dad?!" 

Pero kagaya ko ay gulat rin siya. Inaasahan niyang nakahiga ako at nagpapahinga pero ito ako ngayon nakatayo sa harap niya at malakas.

"I thought... you were shot?" Hindi makapaniwalang tanong ni dad matapos akong makita na walang sugat.

"Belle." Nilingon ko siya para sabihing kailangan namin ni dad mapag-isa.

Mabilis naman akong sinunod ni Belle at siya namang pagpasok ni dad sa bahay.

"Dad let me explain." Hindi niya ako pinansin. Nakapako ang mga mata nito sa nagpapahingang pasyente. A victim of him. Tinignan ko siya at nakita ko ang awa dito. Masama man ang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa ginagawa niya sa lugar dito, I know that he's still a man that he used to be. A loving, and caring one. And I saw it today, that man is not dead.

"What happened to him?" Tanong niya. Sa wakas ay nakuha na rin niyang tumingin sa akin.

"He's been asked questions but didn't answer, that's the reason he end up like that. It's your people, dad. It's your fault and I couldn't just stand there and do nothing." Nakikita kong hindi niya gusto 'to at alam kong kahit na ganon ay responsable siya sa lahat ng nangyari at mangyayari pa lang. Nagagalit ako sa kanya pero I want to know why he did all of this. Baka siguro dahil tatay ko siya kaya naghahanap ako ng magandang dahilan kung bakit niya ginagawa 'to.

Masama na rin ba akong tao kung naghahanap ako ng justification sa maling gawain niya? Gusto ko lang humanap ng dahilan para mahalin ko pa siya at para hindi mabura sa akin ang tatay na kinalakihan ko na baliktad sa nakikita ko ngayon.

Ilang sandali ko pa siyang inantay sumagot. "You shouldn't have done that." Balik nito sa akin. Blangko na ang mga mata nito. Wala ng emosyon. Walang-wala sa lalaking puno ng awa na nakita ko kanina. At sa pagkakataong ito napagtanto kong baka mali ako. Baka ang lalaking iniidolo ko noon ay nakain na ng ganid at pagkagutom sa pera. "I'm protecting you, Tate. That's why I did this."

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Sa dinami-daming kasinungalingan na pwede niyang sabihin, bakit tungkol pa sa akin? "Protect me from what, dad? Kung may dapat na protektahan dito, sila yun laban sa'yo. And don't make this about me and about you being a good father, because you're not anymore."

"Since when did I not become a good father?"

"Since that day you decided to ruin this place for yourself. That moment I lost a father, and I'm afraid he's not coming back."

Natatawa lang ito na parang isang malaking biro ang sinabi ko, na lalo kong kinainis. Hindi siya naaapektuhan ng mga salita ko. Nagbago na nga siya.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora