Chapter 13

1.3K 77 4
                                    

Friends

"Miss me?"

Nakangiti niyang sabi at feel na feel na naman ang atensyong nakukuha.

"Narinig mo naman pala pinaulit mo pa." Sabi ko.

Lumapit na ako sa kanya at inabot nito sa akin ang dala niyang bulaklak.

"Ang mahal nito! Sana bigas na lang binigay mo. Be practical." Pero inamoy ko pa rin ang bulaklak.

It is my first time to received flowers. Ang sarap pala sa feeling. Pakiramdam ko ang special ko at ang ganda ko para bigyan nito.

Naririnig ko pa rin ang mga students na pinagtitinginan siya kaya umalis na kami. Haharot ng mga 'to. Dukutin ko eyeballs niyo e.

"Hindi ka ba nahihiyang pumunta dito tapos ako naman yung dahilan?"

Baka kasi makasama sa image niya e. Mamaya niyan nasa dyaryo na siya at front page pa na may caption na "Isang model nali-link sa magandang bakla." Oh diba? 'Wag na kayong umangal sa maganda, please lang. Ayoko muna makipagtalo. Charot!

"Why would I? I'm doing nothing wrong." Sabi niya na parang wala lang sa kanya ang ma-issue.

Ang kulit talaga! Marami pa namang kumukuha ng pictures, syempre masasama ako dikit na dikit si Luke sa akin e.

Bakit ba kasi bigla-bigla na lang dumami ang nakakilala sa kanya? Dati naman hindi ganyan.

Nilakad na namin kung nasaan ang kotse niya. Sabay na daw ako sa kanya.

"Be! Diba siya yung sa may infomercial ng greeny lovely org ba yun? Ang gwapo!" Sabi ni ate gurl at biglang kinurot ang kasama. Sige, magkurutan kayo hanggang sa mag friendship over kayo. Kakati a?

Nilampasan na namin sila kaya hindi ko na narinig ang sasabihin nila.

So ayun. Ako rin pala ang main reason kung bakit pinagpe-pyestahan si Luke.

Pero on the other hand, kung maraming nakakakilala sa kanya ibig sabihin marami nang nakapanood nung informercial namin so it means successful na naman ang assignment namin! Yehey!

Pero sana inintindi rin nila yung message ano? Baka mukha lang ni Luke yung pinansin nila dun.

"Yang ganyang mukha, nagseselos yan." Sabi niya habang nakapamulsa.

"At bakit naman ako magseselos?"

"Ang dami kasing nagkakandarapa sa akin e." Pagmamayabang nito.

Kapal talaga ng mukha nito. Hindi ko na lang pinansin dahil ipagdidikdikan lang naman niya sa akin kung gaano siya ka-gwapo.

"Bakuran mo na kasi ako." Ayan na naman siya sa bakuran. Bakuran niya mukha niya.

May masabi lang talaga 'tong si Luke. Kung hindi ko lang siya namiss, baka nasapak ko na 'to. Ang hangin e.

"But I'm intimidated with their looks. Ayoko ng ganito." Pag-iiba nito ng topic.

"Huh? Diba sanay ka naman sa ganyan? Yung laging napapansin yang KAGWAPUHAN MO." Pagdiin ko sa kagwapuhan niya.

"No. Very close to the public ang modelling company na pinapasukan ko. I don't want attention." Wika niya. Huh? Tuwang-tuwa kaya siya kapag pinatitinginan siya at pinag-uusapan. "I only want an attention of one person." Kumunot ang noo ko.

"Nako! 'Wag mong sasabihing may iba ka da--"

"You. I only want your attention." Hindi na niya ako pinatapos at tumigil siya sa paglalakad na ginaya ko para makiya ang reaksyon ko sa sinabi niya.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora