Chapter 12

1.4K 77 47
                                    

Luke

FINALLY!!!! Matapos kong kamuntik-muntikang mabulok sa bahay, oras na para umawra sa school at mag-aral. Baka umawra lang pala. Charot! Grabe two months tengga ang ganda ko kaya it is so refreshing na nasinghot ko ulit ang mabahong school namin, grabe super refreshing talaga ang amoy tabing ilog.

"Ano bakla? Diyan ka na lang sa gate? Aamuyin mo na lang buong araw ang mabahong school na 'to?" Paepal talaga 'tong Antoinette na 'to kahit kailan. Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ang school? Kahit makyoho ang paaralan na 'to, gusto ko dito.

"Oo na Anthony! Panira ka talaga ng moment. Tara na nga!"

"Antoinette nga diba?! Mygaad!"

Pumunta na kami sa paskilan ng mga sections namin. Ang daming masyadong tao kaya hindi kami makadaan nakakaloka. Pero dahil taeng-tae na akong malaman ang section ko, nakipag-gitgitan ako.

"Excuse me po. Excuse po, bakit kasi dito nakatambay nakakaloka?"

Yung totoo? Kapag nakita niyo na at nalaman na ang section na kalalagyan niyo, utang na loob lumayas na kayo. 'Wag na kayong tumambay diyan. Pektusan ko kayo isa-isa.

"Ang arte naman." Sabi ni ate girl na may bangs din. Gaya-gaya 'to a?

"O sige palit tayo, basahin mo yan nang nakaharang ako sa bulletin. Bigyan kita lima kapag nagawa mo dali!" Nakakaloka 'to. Siya na nga nakaharang siya pa galit.

"Tara na nga be! Bwisit na ako." Sabi niya sa kasama niya.

Siya pa talaga na-bwisit diba? Nakakaloka.

"Harang-harang pa kasi." Bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang section ko, hindi na rin ako nagulat na magkaklase na naman kami ni Antoinette dahil parehas kaming shunga at nangangamote. Ganda lang. Pero hoy! For you information, hindi kami last section, second to the last lang.

"Ang tapang ng bakla a?" Narinig kong may nagsalita sa tabi ko.

Ako ba sinasabihan nun? Okay, hindi lang ikaw ang bakla wag assumera. Hindi ko na lang pinansin kung sino mang kampon ng kadiliman ang nagsalita baka hindi rin naman para sa akin.

"Tara na Antoinette." Pagyaya ko sa kanya pero ang bakla hindi umiimik at nanlalaki ang mata. "Gaga. Wag ka ng magulat. Magkaklase pa rin tayo wag ka ng umasa diyan na tataas ka. Tara na."

Hinatak ko na lang siya dahil hindi pa rin siguro siya makapaniwala na magka-section pa rin kami. Duh, sana ginalingan niya para tumaas siya diba?

"Hindi lang pala matapang, masungit din." Nanggaling na naman ang boses na 'yun sa lalaki kanina.

Dahil ayokong magmanhid-manhidan at magtanga-tangahan nilingon ko siya. Ako ata pinapatamaan nito e.

"Ako ba kausap mo?" Mataray kong sagot.

"Oo ikaw nga. Ang angas mo a." Problema nitong punyeta na 'to? Hindi niya kina-gwapo.

"Ang gwapo niya sis." Bulong sa akin.

"May jowa ka na diba?" Tumango siya. "Oh wag ng lumandi."

Hindi naman gwapo! Itong Antoinette na 'to Nanette Imbentor. Malakas ang appeal oo, pero gwapo? baka sugpo pwede pa. Porket medyo bad boy look din 'to humaharot na naman siya diyan.

"Sorry ha? Sabi kasi ni mama don't talk to strangers. Okay? Okay. Bye."

Umalis na ako dahil baka hindi ko siya matantya at magsapakan pa kami dito, nakakaistorbo na rin kami sa ibang studyante. Sabi ko pa naman na kapag tapos ng tignan ang section lumayas na pero ang ending ako pa 'tong bida-bidang nakaharang.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now