Chapter 33

733 40 0
                                    

Another victim

Ilang araw na ang lumipas at kagaya ng mga nagdaang araw hindi pa rin ganoon kadalas ang pag-uusap naming dalawa ni Luke.

Though nami-miss ko na siya medyo nasanay na ako sa ganitong set up. Yung tuwing gabi na lang siya pwedeng makausap yung hindi na niya ako nasusundo araw-araw. Okay lang naman sa akin dahil alam kong hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo niya. Mas kailangan siya ng mga tao dun sa kompanya kesa sa akin.

Nagre-ready ako para pumasok sa school. Buti na lang talaga at malapit na ang Christmas break dahil makakapagpahinga na ang puso't diwa ko sa lahat ng pinapagawa ng mga prof.

Mabilis akong natapos mag-ayos at nakarating nang matiwasay sa school.

Nasa gate pa lang ako nakikita ko na ang kumpulan ng mga tao. Huminto ako sa paglalakad kahit alam kong marami pang tao ang papasok ng school. Nandun ang mga estudyante sa lugar kung saan may mga freedom wall. May bago na naman silang biktima.

Sa tuwing nakikita ko ang mga ganitong scenario, hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung ako na naman ang laman ng balita nila? Paano kung hindi na makagamot ang oras at hindi na nila makalimutan ang mga nandon?

Pero kung hindi naman ako, I feel bad para sa taong nandun ngayon. Nakita ko kung gaano kalala ang mga tao, nasaksihan ko kung gaano kasaya ang mga taong ibaba ang kapwa nila. Ngayon pa lang, naaawa na ako sa kanya.

Kahit na ayokong malaman kung sino yun, nagpatuloy ako sa paglalakad at nilakasan ang loob.

Masaya ako na hindi ko nakita ang nakapaskil dahil naharangan ito ng hindi mabilang na estudyante. Ayokong malaman kung sino yun dahil ayokong suportahan ang ganyang gawain. Nagtataka nga ako kung wala bang nagrereklamo at hindi pa naititigil ang ganitong gawain.

Because as far as my concern, hindi na freedom ang pinapairal sa wall na yun, oppression na.

Naglakad ako papaakyat ng room ko at iniiwasang sumilip ni isang tingin man lang nang nahagip ng mata ko ang papel na nasa sahig.

Hindi ko na kailangang basahin ang mga panlalait para malaman kong siya 'yun. 

Nabigla ako at nanlaki ang mata. Hindi 'to pwede! Hindi sa kanya.

Kilalang-kilala ko kung sino ngayon ang magiging usapan ng mga estudyante dito.

Tumakbo ako sa pinakamabilis na makakakaya ko. Alam kong kahit gaano ako kabilis tumakbo, walang epekto iyon sa kahihinatnan ng araw ngayon. Kahit gaano ako magmadali umakyat sa room namin, alam ko na malalaman at malalaman pa rin niya. Kaya bakit ba hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo kahit alam kong walang saysay ang ginagawa ko? Na ang tanging ginagawa lang nito ay maglabas ng pawis sa katawan ko.

Nandito na ako sa floor namin. Napagod ako pero hindi na mahalaga yun. Kailangan ko siyang makita.

Naglakad na ako papuntang room pero masyado pa rin itong mabilis kumpara sa normal na lakad.

Wala akong sinayang na oras at pumasok agad sa classroom. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid para hanapin siya. Ngunit bigo akong makita ni anino niya.

Iilang studyante pa lang ang nandito. Wala rito ang hinahanap ko.

"Hinahanap mo siya?" Lumingon ako at nakita si Matthew. Hindi ko mabasa ang mata niya. Kung okay na ba kami o hindi pa. Pero hindi muna iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin.

Tumango ako. Giving him a blank stare.

"Alam ko kung nasaan siya. Tara." Kalmadong pakikipag-usap nito.

Sumunod ako sa kanya at sinumulan na niyang bilisan ang lakad.

Dinala ako ni Matthew sa lugar kung saan ako naglagi matapos ko ring maging laman ng usapan ng mga studyante rito.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now