Chapter 3

1.9K 101 6
                                    

The end of something

"Ang init a?" At ibinalik ko sa akin yung aircon.

"Exactly, mainit. Don't be selfish." At ibinaling papunta naman sa kanya yung aircon.

Para na naman kaming tangang nag-aagawan sa aircon sa taxi. Kukunin ko, kukunin naman niya. Kukunin ko ulit at ibabalik naman niya sa kanya. Ginigigil talaga ako nito a?

"Oh iyong iyo na! Saksak mo sa baga mo." Hands up. Suko na ako. Ayoko na. Halos 30 minutes na kaming nag-aagawan ng aircon at maging si manong driver ay napa-buntong hininga na lang sa mga nasasaksihan niya. Kung ako makulit lang, siya naman immature. Ayoko ng makipagtalo. Marami-rami na akong pimples at baka madagdagan pa kung papatulan ko lang 'tong lalaking 'to.

I just crossed my arms and look at the ambiance outside the car. Bakit ba kasi traffic? Kanina pa naghihintay si papa sa akin. Kawawa naman yun. Tinignan ko kung anong oras na, kanina pa pala kami dito at hindi pa kami umuusad.

Naramdaman kong biglang lumamig sa side ko. Tumingala ako at nakita kong nakapwesto na sa akin yung hangin ng aircon. Ibinaling ko naman ang mata ko sa mokong na 'to. Nakatingin siya sa labas ng bintana at malikot ang mga mata.

May puso rin naman pala 'to.

In fairness, akala ko demonyo na talaga 'to.

Siniko ko siya at nag thank you sa kanya.

"Baka kasi first time mong makatikim ng aircon kaya nagpaubaya na lang ako." Wow. Concern a?

Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina, demonyo pala talaga 'to.

"Bwisit ka!" At sinikmuraan ko nga ang demonyo. Baka matauhan kapag ginawa ko 'yun. Napa-aray naman siya at hinawakan ang sikmura niya. Serves him right. Huh.

"That was painful! Akala ko ba bakla ka? Bakit ang sakit?"

"Bakit kapag bakla hindi na pwedeng sumuntok ng malakas ha? Gusto mong dagdagan ko yan?" Ikinakahon na naman niya ang mga bakla. Fyi, kapag sinabing bakla hindi ibig sabihin nun na parlorista, hayok sa laman at maingay lang na wala namang laman. We are more than that. Stop stereotyping. It's unnecessary.

"No! That's enough. Amazona amp."

"Ano yun?" Pinanliitan ko siya ng mata at kunyari hindi ko narinig.

"Nothing."

Kung kanina aircon ang pinag-aawayan namin ngayon naman kung anong istasyon ng radyo ang ipe-play. Seriously Luke? Competitive masyado ha? Ayaw patalo?

Dahil sa inis ni manong driver, pinatay na lang niya yung radyo at kami na daw ang isusunod niya kung hindi kami mananahimik.

May pangarap pa kami sa buhay kaya tumahimik na kami.

"Ikaw kasi e." Bulong ko sa kanya.

"The music there were great. Palibhasa walang taste sa kanta."

"Hoy! May taste ako sa kanta dahil idol ko si Taylor Swift. Gusto ko lang talaga makinig ng drama sa radyo." Bulong ko pa ring tugon.

"Taylor Swift? Bakla talaga."

Siniko ko naman siya at umimpit ng aray. Pinigilan niyang sumigaw dahil baka nga sumunod siya sa radyong pinatay ni manong driver.

"Ano kaya pa? Wag mo 'kong inaano a? Pumapatol ako sa strangers!"

"Amazona talaga. Amazona!" Pang-aasar nito.

"Demonyo!"

"Amazona!"

"Demonyo!"

"Amazona!"

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon