Chapter 73

605 38 18
                                    

The Man

I really feel great nang sabihin 'yon. Nabawasan ang bagaheng dala-dala ko. Wala akong naririnig mula sa kanya kung hindi ang malakas niyang paghinga.

Tinitigan ko siya para makita kung ano ang naging epekto ng sinabi ko, ngunit hindi ko na siya mabasa. Kaya naglakad na ako papalayo. Hindi pa man nakagagawa ng ilang hakbang, inabot niya kaagad ang kamay ko't hinatak ako papalapit sa kanya.

Ngayon magkayakap na kami, kagaya nang gusto ko kanina.

Nasa pagitan ako ng dalawang malalaking bisig ni Luke at wala siyang sinasabi. Sinubukan kong kumawala dito ngunit mas lalo lang niya itong hinihigpitan.

I felt his physical heat, since he's naked. But not the heat that I was looking for. I feel safe around it nevertheless.

"Baka may makakita." Iyon agad ang unang pumasok sa isip ko.

Kumalas agad sa pagkakayakap si Luke nang marinig 'yun.

Akala ko kapag sinabi ko 'yon, hihigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap at sasabihing wala siyang paki para ipakita ang pagmamahal sa akin. Pero hindi 'yon ang nangyari, apparently hindi ako ganun kaimportante para hawakan nang matagal.

Dismayado man sa naging reaksyon ni Luke, nakuha ko pa ring makapaglakad papalayo nang may kaunting dignidad sa akin.

Nakatingin ako sa mga paa ko habang naglalakad maging sa mga puting buhanging pumapasok sa suot kong tsinelas. Ayokong makita nilang nagtutubig ang mata ko.

Dumaan ako sa parteng hindi okupado ng aking mga katrabaho. Nang maramdaman kong nakakalayo na ako kay Luke at hindi na niya matatanaw ang mga gagawin ko, tinakbo ko na ang natitirang lakarin papunta sa kwarto namin.

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang biglan akong may nabangga. Iniangat ko ang ulo at si Matthew bumungad  sa akin. Nakapamulsa siya at tanging swimming trunks lang ang suot. Tila hindi naapektuhan sa impact ng pagbangga ko sa kanya.

Napalitan ng nag-aalalang ekspresyon ang mukha niya nang makita ang sa akin.

"Umiiyak ka na naman." Hindi 'yon tanong bagkus ay isang deklarasyon. "Lagi ka na lang pinapaluha ni Luke."

Pinunasan ko ang mga tumutulo sa mata at tinanong siya, "Paano mo nalaman?"

"Si Luke lang naman ang kayang magpaiyak sa'yo nang ganyan." Casual niyang sabi na parang obvious ang sagot. "Sabi ko naman sa'yo na 'wag ka nang magpakatanga sa lalaking 'yan."

"Matthew, ayoko muna makarinig ng mga payo mo tungkol dito. It's already been a bad day, so please."

"Kaunting yakap lang, kaunting suyo, bumibigay ka na kaagad." Dagdag pa niya.

Napailing na lang ako nang magsalita pa siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Iniwan siyang nakatayo lang doon.

Habang naglalakad, biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa at sinagot ang nakaabang na tawag.

"Hello Antoinette." Wala kong ganang sagot.

"Kailan mo sasabihin sa akin na may pa Zambales 'yang lalaki mo?!"  Bungad niya sa akin. Ito na naman tayo.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa taas. "I'm not really in the mood to talk about this."

"Hoy! 'Wag mo kong maingles-ingles ha. 'Wag kang gagawa diyan ng hindi mo ikaka-proud."

"Oo nasabi mo na 'yan e. Tsaka mo na ako pagsabihan please, this is not the time." Sagot ko at kinamot ang noo.

"Habang-buhay ka na lang ba magiging kabit ha?!" Nang marinig ko sa kanya ang salitang 'kabit', nagpantig ang tainga ko at bigla na lang akong sumabog.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedМесто, где живут истории. Откройте их для себя