Last Chapter

517 31 2
                                    

Making things right.

Dear Lara,

What I did to you, was wrong. I am very sorry for all the things I said.

Sinusubukan kong ibalik ang lahat sa ayos at magsisimula ako sa paghingi ng tawad sa taong pinaka nasaktan sa mga nagawa ko, ikaw.

Ngunit wala akong mukhang maihaharap sa'yo ngayon, pero pinapangako ko sa'yong sinusubukan kong maging mabuting tao. Kaya bilang duwag, humihiling ako na sana tanggapin mo ang sulat na 'to at ang kapatawaran na nakalakip dito.

But I also want to thank you for teaching me that love fueled by betrayal is not worth having.

Tama ka sa maraming bagay lalo na nung sinabi mong sa lahat ng tao kami ang pinaka may alam ng pakiramdam na iwanan, lokohin, ipagtabuyan at kalimutan. Hindi ko na dapat ibigay sa'yo ang sakit na 'yun dahil ayokong may makaramdam pa nun. Salamat at pinaalala mo 'yon sa akin.

Aalis na ako sa trabaho. Hindi ko na kayo guguluhin, pwede na kayong ikasal at magsimulang muli. Siguradong magiging mabuti kang asawa. At ina.

Sana dumating ang araw na mapatawad mo ako. Araw-araw ko 'yong ipagdadasal.

-Belle.

Tiniklop ko ang papel matapos itong sulatan at saka nilagay sa sobre. Alam kong mas madali kung via e-mail ko na lang sinulat ang lahat ng 'to ngunit gusto kong maramdaman niya sa pamamagitan ng tinta at ng sulat ko ang mga nais kong sabihin.

"Girl, paabot nga ako nung papel malapit diyan sa'yo." Utos ko kay Antoinette.

"Ito ba?" Tumango ako at inabot niya ito. "Bilang isang environmentalist, napaka dami mong nasayang na papel. Babasahin ba ni Lara 'yan? Isang linggo ka ng gumagawa ng sulat sa kanya."

Pinindot ko ang ballpen para makapagsulat. "Porque hindi sumusulat pabalik e hindi na nabasa, tsaka last na 'yan. Para kay Matthew 'tong ginagawa ko ngayon."

Kumuha si Antoinette ng chichirya sa gitna ng lamesang puno ng kusot na papel at mga kalat. "E yung para kay Luke? Nasaan diyan?" Natigil ako sa pagsusulat nang marinig 'yun.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula."

"Pero aalis ka na mamaya 'di ba? Dun ka tutuloy sa mama mo?" Tiningnan ko ang maletang nakasandal sa gilid ng sofa nila Antoinette. "Oh paano ngayon 'yan?"

"Sigurado naman akong may papel din dun." Kinusot ko ang sinusulat para sana kay Matthew at binato na lang sa kung saan. "Hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula. Kahit nga sa isa, hindi ko alam kung anong sasabihin."

"So anong balak mo? Maglalaho ka na lang bigla nang hindi nagpapaalam? E akala ko ba itatama mo na ang lahat?"

Tinarayan ko si Antoinette. "Alam ko naman 'yun! Isa ka pa e, ginugulo mo utak ko. Just give me time to compose something for him."

"Magpakatotoo ka. Ayan naman talaga ang ibig sabihin nang lahat ng 'to 'di ba?" Inabot niya ang mangkok na puno ng chichirya at tsaka umalis.

It's been a week since the day Lara told me things that apparently are true. And no trace even shadows of her and Luke after that.

I'm not blaming them. They have the right to do so. Gusto ko lang na bago ako tumungo sa bagong kabanata ng buhay ko, naisara ko na ang sinundan nito.

Nakatitig lang ako sa blangkong papel sa harap ko. Sana alam ko ang tamang letrang gagamitin. At sana tulungan ako nitong makalaya.

Nang ilang oras na ang nakakalipas at wala pa rin akong naisip. Napagdesisyunan kong sa byahe na lang 'to ituloy. Nagbihis na ako. Ayoko namang mahuli sa flight. Kinuha ko ang maleta at nag double check kung may naiwan ba ako.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now