Chapter 61

544 33 2
                                    

What are the odds?

Hinila ako ng alarm clock ko sa pagkakatulog. Ugh! Kung hindi ko lang kailangan ng trabahong 'to!

Kinapa ko ang phone sa bed side table at chineck. Wala man lang ni isang reply kay Luke.

Hindi pa rin niya ako kinakausap. That's very unusual of him. Kapag nagtatampo sa akin 'yun, ilang oras lang okay na ulit kami. Pero ngayon isang araw na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang paramdam. This must be really serious.

Kahit ayaw ko, bumangon pa rin ako para maligo.

Habang nagbibihis, chineck ko ulit ang phone ko, pero wala pa ring sumasagot.

Natitiis ako ni Luke! At sa totoo lang, ayos lang sa akin. Mabuti na nakakaya na niyang hindi ako kinukulit. Simulaing hakbang patungo sa pagpapalaya sa sarili.

Kahit papaano gumagawa na siya ng paraan para sa sarili niya nang maalis ang feelings niya sa akin. At suportado ko siya dun, he deserve better than me. At sana makita niya na hindi isang loser na katulad ko ang para sa kanya

'Wag lang sanang humantong sa puntong hindi na niya ako kakausapin.

Tiningnan ko ang relo ko at may oras pa ako para tumitig sa kulay gray na pader. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama at walang iniisip.

This is how my day starts. Bagong best friend ko na 'tong pader. Araw-araw niyang nakikita kung gaano ako ka miserable na kamakailan ko lang nalaman kung hindi pa sasabihin sa akin ni Luke.

In denial. Psh, well he's not wrong there. Baka nga may unfinished business pa ako sa isang Luke.

"This is gonna be a good day." Pagkausap ko sa pader.

At alam kong ayun nga ang mangyayari. Pagkatapos kong mabasa ang sulat ni tatay Selyo para sa akin, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pakiramdam ko there's a better day ahead.

Doble pa ang saya sa pag-approved ng proposal ko. To be honest, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito.

Umalis na ako sa apartment at in time na nakarating sa opisina.

Pagpasok ko, marami agad ang bumati sa akin at malugod ko naman itong sinuklian. We're like a family here in this agency. Mabuti nga at hindi toxic ang working environment ko.

Habang naglalakad papunta sa cubicle ko at may mangilan-ilang bumabati, nakita ko agad si Luke sa cubicle niya na nagtitipa ng kung ano sa keyboard. Bago ito lagpasan, nilapag ko ang kape na binili ko para sa kanya bago pumasok sa trabaho. May note 'yong kasama na may sulat na, 'I'm sorry. Pls, bati na tayo'

Alam kong nakita niyang may nilapag ako sa kanyang lamesa pero nagpanggap itong walang alam. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at umupo sa pwesto ko.

Dahil nga na-approved ni ma'am Santos ang proposal ko. Binigay niya sa akin ang bagong kliyente na imi-meet namin mamaya, and I'll be the one presenting it.

Hindi naman na bago sa akin 'to pero kinakabahan ako ngayon. Sinabi kasi ni ma'am na hindi basta-basta ang kliyente namin. Hindi sinabi ang brand pero something about cosmetics ang product. Kaya kailangan kong maghanda kahit papaano ng themes and execution ng mga ads. At mamaya ko lang rin malalaman kung ano ang gusto ng kliyente at maging ang brand name nito.

Sa trabaho ko, hindi mo maiiwasang mag-assume na baka isa sa mga leading company ang magiging kliyente namin. Pero mukhang malabo dahil paniguradong may sariling tao na 'yun na humahawak sa advertising nila, but I'm not closing the possibility. Malay natin, naubusan sila ng ideas kaya tumatakbo sila sa amin ngayon. Besides, we made ourselves a name in this industry already.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now