Chapter 72

449 27 2
                                    

Do we still have it?

"Wow." Ang tangi kong nasabi nang makita kung gaano kaganda ang dagat sa harap ko.

Luke really knows how to organize vacations. It's like he always do it.

Sa tapat namin buong-buong masusulyapan ang pag-reflect sa tubig ng sinag ng araw na nagresulta sa pagkinang ng tubig. Hindi ko rin mapalagpas ang mapinong puting buhangin. Sa 'di kalayuang parte ng dagat matatanaw mula sa posisyon ko ang mga rock formation na parang sinadyang ihulma ng Diyos para sa aming mga mata.

Nakalimutan ko ang mga sinabi ni Matthew at naalala naman ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon sa Zambales nang makita ang ganda ng dagat. 

"Here they are." May humintong bus at niluwa noon ang mga katrabaho namin. May bus naman pala, kung alam ko lang edi sana hindi ko na kinailangang makita ang paghaharutan nilang dalawa makapunta lang dito.

"Mars! OH MY GOD! Salamat sa Diyos at nandito ka. Akala ko hindi ka sasama dahil hindi ko nakita ang gustuhin mong mukha sa bus!" Sigaw ni Maya nang makita niya ako kasama ang tatlo.

Tuwang-tuwa naman si Maya. Dahil alam niyang kapag nandito ako, ibig sabihin ay nandito rin si Matthew.

"Gaga syempre libre to 'no! Pupunta talaga ako." Sabi ko habang nakatitig 'to kay Matthew.

I should've expected na mabilis siyang madi-distract sa mukha ni Matthew. Imbes na sa dagat tumingin kagaya ng iba... Maya talaga.

At since wala na nga ang kausap ko, nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang ilan pa naming katrabaho na lumabas sa bus habang bitbit ang kanilang bag o di kaya'y hatak ang mga maliliit na maleta. Nakasuot din ng shades ang karamihan panglaban sa sinag ng araw.

Tumingin ako sa gawi nila Luke at agad din itong pinagsisihan. Nakita ko kung paano nakapulupot ang braso ni Lara kay Luke habang nakasandal ang ulo dito.

Sulutin mo na ang pagdikit kay Luke. Huli na 'yan ngayong araw.

Nang makumpleto na ang lahat, nagsama-sama ang lahat at sinundan si Luke papunta sa tutuluyan namin.

"Okay so I didn't prepare any activities for you. We're not here for a team building. We're here to celebrate, that's why. But at midnight we will have a bonfire together." Tumango ang ilan sa amin nang marinig 'yon. "And you have to have a partner to share a room with and I'll let you decide on that. But for me, I'm with... Lara, of course." Napangisi naman ang karamihan sa kanila as if hindi nila in-expect na sila ang magsasama. Ngiting-ngiti naman si Lara na nakalingkis pa rin kay Luke, nagugustuhan ang mga pang-aasar nila. Tumingin na lang ako sa lupa, at nagpanggap na wala akong narinig.

"Syempre 'no! Unless may iba pang fiancé ang boyfriend ko dito?" Biglang napaangat ang ulo ko nang marinig ko 'yong sabihin ni Lara. Does she know? Tiningnan ko ang katabi kong si Matthew na nakatingin din sa akin, na kung pwede lang niya akong ituro, ginawa na niya.

"Shut up." Ang sabi ko dito. At inalis niya ang tingin sa akin.

"No, I'm just kidding." Dagdag pa ni Lara sabay tumawa nang hindi nakikita ang mata. Maganda pa rin siya. Para siyang anghel 'pag ngumiti.

Wala bang masamang tinapay 'tong si Lara? Lahat na lang maganda sa kanya.

Pagkatapos nun, sinabihan kami ni Luke na mamili na ng kasama sa kwarto. Kusa kaming naghiwalay sa dalawa at puro masasaya, nakalabas na ngipin at di makitang mata ang nandito ngayon sa harap ko.

"Pwede bang tayo na lang?" Tanong ni Matthew na nakapagpataas ng kilay ko. "Ang magsama sa iisang kwarto." Pagpapatuloy niya.

"Like you need to ask. Syempre! Ikaw lang naman kaibigan ko dito e. Dahil sa'yo kaya nandito ako ngayon." Nang maka-graduate kami noon sa college, parehas kaming naghanap ng pwede naming pagtrabahuhan pero siya ang nakadiskubre sa NOW agency.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon