Chapter 20

1.2K 53 0
                                    

The gate

"'Wag niyo na lang silang pansinin."

Kahit ilang beses pa itong sabihin ni Tate, hindi ko maiwasang intindihin ang mga matang nakatingin sa akin at sa amin sa tuwing may masasalubong kaming taga-rito.

Very distracting lang na kanina pa ako pinagtitinginan dito. Hindi ko alam kung nakalimutan ko bang mag-pantalon o kung ano man para makakuha ng ganitong atensyon. Hindi ako sanay at never akong masasanay.

Hindi ko mabasa ang mga tingin nila. Kung galit ba sila, natatakot, naninibago. Hindi lang siguro sila sanay makakita ng ibang tao bukod sa kanila. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Charot!

Hindi naman ganito sa probinsya namin. In fact very welcoming ang mga tao dun at nasisiyahan pa kapag may bisita.

Alam ko namang I need a laser focus sa ginagawa ko pero I just can't ignore them. Kung si Luke at Tate sanay na, ako hindi. Mediocre lang ako kaya naman nakakailang sa part ko ang mga atensyong natatanggap ko.

Dati nga kapag dumadaan ako sa court namin wala namang pumapansin sa akin. Kahit siguro mag-split ako nun at mag cartwheel wala pa ring effect pero ngayon kahit wala akong gawin, lahat ng mata nasa akin. Nasa amin.

"Tate."

"Ano?" Cold niyang sagot.

"Bakit ba kasi sila ganyan makatingin?" I just can't help myself from asking. Baka maloka na ako anytime dahil sa curiosity na bumabalot sa sistema ko.

Kahit alam kong wala naman akong mahihita sa pagtatanong sa kanya. Sinubukan ko pa rin. Nagbabaka-sakaling nauntog siya at magkwento ng hindi inaasahan.

"Mahabang kwento." As usual. Wala na naman akong napala. Psh. Tamad talaga nito. Kung may ibang tao lang ako na pwedeng pagtanungan, why not?

Hindi ko na inabala pa ang sarili na kulitin siya. Sooner or later malalaman ko rin naman kung ano nga ba ang nangyayari rito.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa minahan. Maaga kaming nagising dahil hindi daw uso rito ang alas dose ang tulog at alas dose rin ang gising. Well, I'm not surprise dahil ganito naman talaga sa probinsya, hindi sila fan ng night life.

Habang naglalakad, pinagmamasdan ko ang mga tanawin. Ang taniman ng palay, ang mga punong sumasabay sa sayaw ng hangin, simple lang ang lahat pero satisfying.

Mas lalo pang nagpapaganda ng tanawin ay ang lalaki sa tabi ko. Bukod sa gwapo siya, mabango pa. Parang ayaw ko na atang humiwalay sa kanya.

"Hindi naman ako mawawala." Sabi niya. Napansin siguro nito ang maya't mayang pagdikit ko para lang maamoy siya.

Ewan. I just love how he smells.

Hindi na lang ako sumagot. Gusto rin naman niya, 'wag nga siya.

"Mabango?" Tumango ako.

Kahit gusto kong magpabebe I can't deny it. He's so good. Idagdag mo pa ang camerang nakasukbit sa leeg niya. Ang hot lang tignan.

"Sabi na. Matagal ka na talagang may pagnanasa sa akin." Pinanliitan ko siya ng mata sa pagyayabang nito.

"Hoy kapal mo, nabanguhan lang ako. Pagnanasa ka diyan!"

"Sige nga kiss mo ako para sure." Sabi niya, pumikit pa at nag-pout.

Instead na labi, kamay ang inilapat ko sa labi niya.

"Sobra na ha! Kagabi ka pa kaya." Sabi ko.

Nag-tantrums naman si Luke na parang baby na hindi binigyan ng candy. He's so cute. Mukha siyang ewan.

"Ehem!" Pagpaparinig ni Tate na nauna ng ilang hakbang sa paglalakad.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin