"'Wag mo namang lahatin, Caius."

Sumubo siya at saka ako tinignan. "Just eat. I love watching you."

Wala na akong nagawa at ipinag-patuloy nalang ang pagsubo sa mga pagkain na nakalatag dito sa hapag. Masasarap kasi ang nandito sa mesa, kaya hindi ko ring maiwasan na hindi damihan ang pagkuha ko sa bawat putahe na nandito.

Hindi ko rin alam pero, kumpleto na kaagad ang araw ko. Makasama ko lang si Caius, wala na akong mahihiling pa. Parang bawat segundo ay gusto ko siyang nandito sa tabi ko. Parang ayaw ko siyang mawalay sa tabi ko, at gusto ko lang na ako lang kasama niya.

But, giving my trust will not be that easy. Nasaktan na ako minsan diyan, at balde-balde ang niluha ko ng dahil sa pagiging gaga ko.

My eyes widened when he gave me a smack on my lips. "You're over-thinking again," wika niya.

Tinignan ko siya, mata sa mata. "Nag-du-duda lang ako, Caius. It's impossible that you know me too well."

Hindi siya nakasagot kaagad. Bagkus, yumuko siya at nakita ko pa ang pagka-kunot ng noo niya. Parang nainis siya sa sinabi ko at muli, nakita ko sa mga mata niya ang galit at gigil na tingin. Doon ako kinabahan, may nagawa ba ako?

"P-Pasensya na Caius. Balewalain mo nalang ang sinabi ko," sambit ko nalang at saka ipinag-patuloy ang pag-subo sa aking kinakain.

"Not yet the time to know it, Denisse," he said in serious tone.

Ako naman ang nainis. Bakit hindi niya pa kaagad sabihin sa akin kung ano ang dahilan niya? Bakit ba sobrang napaka-misteryoso niya pagdating sa mga bagay na itutulad sa akin? Nahihirapan na akong intindihin siya.

"Kailan ko malalaman?" Sabi ko, kahit na naiinis na ako.

"In right time." Sobrang ikli 'man ng kanyang sinabi ay alam kong maraming konektado na mga linya 'yon.

Napabuntong hininga nalang ako. Ganon ba talaga ang mga lalaki? Hindi nila masyadong naibabahagi ang mga damdamin nila? Mataas nga ba talaga ang mga pride nila? Kaya siguro hindi ko mabasa si Caius dahil, marunong siyang mag-tago ng kanyang nararamdaman.


PAGKATAPOS naming kumain ay tumayo na ako kaagad. Muntik ko nang makalimutan na hindi ko 'to bahay. Siguro bilang kapalit na pinatuloy ako dito ni Caius ay ako nalang siguro ang maghuhugas ng pinagkainan namin.

Kukunin ko na sana ang plato ko— "Babe, you almost forgot, are you supposed to do that?"

Namula na ako sa sinabi niya. Kanina, sobrang seryoso namin, tapos ngayon bumabanat na naman ang dila niyang sobrang lupit. "K-Kasi—"

"May ipapatawag naman akong mag-li-linis ng lahat ng 'to mamaya e." Sabi niya pa at tumayo na rin.

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap sa likod. "C-Caius..."

"It suits you really well, do you like it?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Bagay nga sa akin kaso, sobrang daring lang ang hitsura ko dito, parang inaakit ko si Caius sa tuwing maglalakad ako. Dahil bakat na bakat talaga ang hugis ng katawan ko sa suot ko.

Muli akong napasinghap nang ipatong niya ang ulo sa balikat ko. Damn you, Caius. "You don't like it?"

Tumanggi ako sa pamamagitan ng pag-iling. "N-Nagustuhan ko. Parang masyadong sexy lang talaga." Pag-aatubili ko.

Naramdaman ko ang pag-dikit ng kanyang hininga sa akin ng narinig ko siyang tumawa. "You make me drool overnight you know that? I thanked all the saints last night not to took over."

Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now