Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng komprontasyon ng binata, pero ito ang unang beses na magkakasagutan sila ng harapan. Madalas kasi na kapag nagkakaroon sila ng diskusyon o paranigan sa loob ng bahay ay umiiwas na lamang ang binata o kaya ay tatawagin sina Dreico at Lucho para matigil ang kanilang pag-uusap.

"Ikaw! Ikaw naman talaga may kasalanan bakit ganitong nagkanda-leche-leche yung buhay ko!" Pandudurong sumbat ni Claire kay Vince. "Kung hindi dahil sayo, kung hindi ka sumulpot ulit, sana maayos yung buhay namin! Sana naroon pa rin kami sa sariling bahay namin! Masaya pa sana yung buhay namin!" Dagdag na kastigo pa niya habang mariing dinuduro-duro ang matipunong dibdib nito. Kung nasasaktan ito, wala na siyang pakialam, basta ang tanging nasa isipan niya ngayon ay maglabas ng sama ng loob sa binata.

"O wow, look what we got here" sarkastikong sagot ni Vince ng hablutin nito ang kaniyang kamay at kapitan iyon ng mahigpit. "Kala mo kung sinong napakabait," dagdag pa nito kaakibat ng isang mapanghusgang ngiti sa labi. "Claire... Oh wait, should I call you Marie or Claire? Medyo nalilito na rin kasi ako sa galing mong gumawa ng kasinungalingan. Hindi ko na nga din alam minsan kung ano pang natitirang totoo sa pagkatao mo after all these years na nagtago ka at pinaikot-ikot mo sa lahat ng mga pekeng kwento mo lahat ng tao sa paligid mo."

Isang malutong na sampal sa kaliwang pisngi ang agad na pinakawalan niya na dumapo sa mukha ni Vince, "Ang kapal ng mukha mo!" Puno ng galit na pagtataas niya ng boses rito. "Wala kang karapatan na husgahan ng ganyan dahil hindi mo alam kung anong klase ng hirap ang ginapang ko para mabuhay at makarating sa kung nasaan ako ngayon!" Duro niya kasabay ng pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata.

"Then how dare you fvcking judge me as if you know all the fvcking struggles I've been through!" Ganting sumbat ni Vince na hindi na rin napigilan pa ang pagtataas ng boses at galit sa kaniya. "Wala ka ring alam kung gaano kahirap yung pinagdaanan ko Claire!"

"Hirap? Anong bang klase ng hirap ang pinagsasabi mo huh?" May pagkasarkastikong sagot niya. "Paano ka nahirapan, sige nga, sabihin mo sa akin anong klaseng hirap yung dinaanan mo kumpara sa hirap na dinaanan ko?" Aniya kasabay ng mapait na pagtawa sa sa gitna ng pag-iyak. "Tignan mo nga Vince kung ano ka ngayon. Mayaman ka, may sariling kompanya, lahat ng gusto mo nakukuha mo. Tapos sasabihin mo sa akin naghirap ka din? Saan? Sa pagpapaopera ba, wow ha, parang sa pagkakaalam ko nagmadali ka pa nga magpaopera nung nalaman mong buhay si Elizabeth diba? Tapos ano, ayun dali-dali kang nagpakabobo ulit dun sa babae mong yun! Binalikan mo agad, nagmakaawa ka pang magsimula ulit kayo, ayun na nga diba niyaya mo pang pakasalan ka ulit!" Pigil ang paghagulgol na sambit niya para lang hindi magising ang kambal na anak. Siguro kung nasa ibang lugar sila at wala ang dalawa ay baka pinaulanan na niya ito ng sunto at sampal kasabay ng malalakas na sigaw at mura.

Hindi nakaimik si Vince sa mga huling salitang binatawan niya, sa halip ay nagbawi ito ng tingin at yumuko na lang. Bagay na mas lalong kinagalit niya dahil kitang-kita sa mukha at katahimikan nito ngayon ang sobrang pagka-guilty.

"O, bakit natahimik ka?" Puno ng pait na kastigo niya sa binata. "Kasi tama ako diba? Tama lahat ng pinagsasabi ko diba?" Hindi na napigilan pa ni Claire na sabunutan si Vince para lang tignan siya, "Tumingan ka sa akin! Tignan mo ko!" Aniya sabay hawak sa mukha ng binata para harapib siyang muli. "Tumingin ka sa akin tapos sabihin mo ulit sa akin kung sinong mas nasaktan sa atin dalawa!"

"I'm sorry..." Tanging nasambit ni Vince na hindi pa rin siya tinitignan.

"Sorry... Sorry... Ganun na lang ba yun?" Naluluhang ulit ni Claire. "Sana ganyan lang kadali Vince. Sana kayang bawiin ng sorry mo yung lahat ng hirap na tiniis ko para lang masiguradong lalaking maayos yung mga anak ko. Sana yang sorry mo kayang itama lahat ng maling nangyari. Sana, sana yang sorry mo kaya ibalik yung oras na dapat sana lumaki yung mga anak ko na hindi ako araw-araw na nagsisinungaling sa kanila kung nasaan yun Tatay nila! Hindi mo alam kung gaano kahirap na bawat araw, bawat tanong nila tungkol sayo gagawan ko ng magandang kwento para lang hindi sila lumaki na may sama ng loob! Kung sana nagkalakas lang ako ng loob na sabihin yung totoo na yung tatay nila hindi sila kailanman inintindi dahil busy sa pagpapakasal sa ibang babae, edi sana wala na akong problema at hindi ko na kailangan magtago pa!" Patuloy na sumbat niya habang kapit ng mahigpit sa nakakuyom na kamay ang damit nito. "Kaya lang hindi ko magawa Vince, hindi ko magawa na ipagtapat sa kanila na nabuo lang sila dahil sa isang malaking pagkakamali natin, na naging bobo ako isang gabi at sumiping sa isang lasing na lalake dahil lang gusto ko siya  Hindi ko magawa na sabihin sa kanila lahat ng kalokohan na pinagagagawa mo, at mas lalong hindi ko kaya sabihin na wala naman silang Tatay na hihintayin pang balikan sila dahil... Dahil ayaw kong lumaki yun mga anak ko na iisipin nilang hindi sila kayang mahalin ng Tatay nila!" Iyon na ang naging mitsa at tuluyan na ngang napasigaw siya sa labis-labis na galit na kinikimkim sa binata. "Sana hindi mo na ginulo pa yung buhay namin Vince!" Paulit-ulit na sambit niya habang hinahataw at sinusuntok ang dibdib ng binata.

"Hindi ko sinasadya Claire..." Halos bulong sa hangin na sambit nito, "I'm really, really sorry." Sabay kabig sa kaniya at ikinulong siya sa isang mahigpit na yapos upang pigilan siya sa paghihisterikal. "Hindi ko sinasadya..."

"Sana hindi ka na lang dumating!" Paulit-ulit pa rin niyamg sumbat at hataw at sampal sa binatang si Vince kahit pa nga nakakulong na siya sa mahigpit na pagkakayapos nito. "Sana hindi ka na bumalik pa!" Patuloy niyang paghagulgol, "Sana hindi ka na kasi dapat nagpakita Vince! Dapat pinabayaan mo na kami!"

"Shhhh... Please stop crying. I'm sorry, I'm sorry. Patawarin mo ko Claire." Patuloy na pagpapatahan ni Vince sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang mukha at buhok. "Hindi ko gustong maging ganito. Hindi ko sinasadya Claire."

Ilang minuto silang binalot ng katahimikan. Wala ng nagsasalita pa. Tanging mga hikbi na lamang niya habang nakasubsob sa dibdib ng binata ang maririnig ng mga sandaling iyon. At sa kung anong dahilan ay nararamdaman niya ang tila labis na pagnanais na makulong sa mahigpit na yapos na iyon ng lalakeng minsan na niyang minahal pa.

Ngunit natigil lamang sila at bumalik sa normal na wisyo ng biglang marinig nila ang malakas na alingawngaw ng pag-iyak nina Lucho at Dreico, kaya naman dali-dali silang naghiwalay at agad na inasikaso ang kambal.

Mabilis niyang pinunasan ang luha gamit lamanf ang kamay at ang suot na damit at agad na lumabas ng pintuan upang lumipat sa likurang para tabihan ang dalawa. "I.. am... dito na lang ako, babantayan ko muna yung mga bata." Sabi niya habang inaalo ang dalaw na noo'y dahan-dahan ng tumitigil sa pag-iyak.

"Alright." Simpleng tugon na pagtango ni Vince. At ilang segundo lang ay inabutan siya nito ng panyo. "Here, fix yourself." Anito sabay balik ng atensyon sa manibela at sinimulan ng iistart mula ang makina ng sasakyan.

Ayaw man ay napilitan na rin siyang tanggapin ang inaalok nitong panyo. Kahit papaano ay okay na ring nagkalayo sila ng upuan dahil tiyak na di siya mapapakali kung katabi pa rin siya ng binata. Siguro nga talaga ay isang malaking timing na lang na umiyak ang kambal para mapigilan sila sa kung anong maaaring mangyari pa sa pagitan nila ni Vince.

Lord, bigyan mo po ako ng sapat na lakas ng loob para ipagpatuloy na labanan ang problemang ito. Tahimik na dasal niya sa sarili habang pigil na nilalabanan ang muling pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko po man gustong sumuko pero kasi po pinanghihinaan na ako ng loob. Kayo na po ang bahala sa akin...

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now