CHAPTER 55: LACK OF EVIDENCE

428 16 0
                                    

CHAPTER 55: LACK OF EVIDENCE

Elliyah's POV

"Sigurado ka na bang sasama ka sa akin?" tanong ko kay Ralph.

Makalipas ang tatlong araw ma pagtatago namin, dumating na ang araw na pag-alis namin papunta sa Paris.

"Oo. Nasaan nga pala si Raven?" tugon niya.

"Titignan niya daw kung may kalaban na nakapaligid. Mukhang hindi nila tayo paalisin ng buhay."

"Hindi ka man lang natatakot?"

"Bakit naman ako matatakot? Sanay na ako sa ganito. Ako na nagsasabi sayo. Maging alerto ka sa eroplano mamaya."

"Yo!" bati sa amin ni Rex.

"Rex, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Ralph.

"Pupunta din ako sa Paris."

"Huh?" sabay na sabi namin ni Ralph dahil sa gulat. Tumawa siya bigla.

"Joke lang. Hinatid ko lang si Kyle," aniya at doon ko lang napansin na kasunod niya pala si Dr. Kyle.

"Salamat. Nakaabot ako. Kanina pa ba kayo?" tanong ni Dr. Kyle sa amin.

"Medyo," sagot ni Ralph.

"Sabi ng kuya mo may isa pa tayong makakasama? Nasaan na siya?" tanong sa akin ni Dr. Kyle.

"Ah! Si Raven. Naglibot lang siya saglit," sagot ko.

Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa natanaw ko si Raven na tumatakbo. Hinahabol ito ng mga lalaking naka-suit na itim at may suot na shades. Sakto na oras na ng flight ng alis namin.

"Takbo! Pumasok na kayo sa loob," sigaw niya. Agad ko kinuha ang maleta ko.

"Tara na! Dalian niyo," sambit ko.

"Ingat kayo. Ako na bahala sa humahabol sa inyo," nakangiting sabi ni Rex.

Patakbo kami pumunta sa may boarding area. Nakita ko na hinarangan ni Rex ang mga humahabol kay Raven saka niya ito nilaban.

"Ayos lang kaya siya? Mag-isa lang siyang lumalaban," nag-aalalang sabi ko. Professional ang mga kalaban niya at idagdag pa na mag-isa lang si Rex.

"Hindi siya nag-iisa," sambit ni Raven. Pagtingin ko ulit kay Rex, kasama na niya sina Steven, Luke, Stanley at Josh.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now