CHAPTER 33: CONVO WITH RAVEN

556 21 1
                                    

CHAPTER 33: CONVO WITH RAVEN

Ria's POV

"Sasama ka talaga sa school?" tanong sa akin ni Patrick habang palabas kami ng bahay. Tumango ko bilang tugon.

"Baka mabored ka kapag may klase. Mag-isa ka lang," aniya saka binuksan yung pinto ng sasakyan niya para pasakayin ako.

"Hindi yan. May gagawin din ako," tugon ko sabay pakita sa kany ng dala akong sketchbook at notebook.

"Ikaw bahala."

Sumakay na kami at nagtunggo sa Rutherford University. Ngayon ang unang araw nila. 3rd year college na sila. Nakakainggit dahil kinailangan kong huminto. Baka daw mas maraming makaalam ng sakit ko kung papasok pa ako.

"Text mo ko kung tapos na yung klase niyo," paalam ko sa kanya pagkapark niya ng sasakyan. Bumaba ako at naghanap ng matatambayan.

"Brad! Good Morning!" bati sa akin ni Zyrille.

"Good Morning."

"Tatambay ka nga dito?"

"Oo. Kaso wala ako mahanap na pwesto."

Lumingon ako sa paligid para maghanap ng tatambayan. Gusto ko yung wala masyadong tao para tahimik lang.

"Sa tambayan pwede ka," sabi ni Rex mula sa likod ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil bigla na lang siya nagsalita.

"Good Morning Rex," bati sa kanya ni Zyrille.

"Morning," nakangiting tugon nito.

"Oo nga Brad. Doon ka na lang sa tambayan namin," sabi sa akin ni Zyrille.

"Tamabayan ng Dark Royalties yun. Pwede ba ako doon?"

"Hindi lang naman para sa Dark Royalties yun. Nakapunta na din si Steven doon noon. Tambayan lang talaga namin yun," palinawag ni Rex.

"Tara! Samahan ka namin doon bago pumasok. May flag ceremony pa naman," sabi ni Zyrille sa akin.

"Wag na. Ayos la--"

"Wag ka na mahiya. Welcome ka doon," sabi ni Rex sabay tulak sa akin.

Hinila ako ni Zyrille at sumunod naman sa amin si Rex. Pagpasok namin doob sa malaking bahay na tambayan nila, bumungad sa amin si Xander.

"Morning!" bati niya sa amin saka binalik ang tingin sa laptop.

"Ang aga mo yata? Mamaya pa klase mo diba?" tanong ni Rex.

"Yeah. Naisipan kong tumambay dito habang hinihintay klase ko. Boring din naman sa condo."

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon