CHAPTER 45: ELLIYAH'S HIDDEN MASKS

541 25 0
                                    

CHAPTER 45: ELLIYAH'S HIDDEN MASKS

Ralph's POV

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nila Aira, kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko may hindi maganda mangyayari kaya hindi din ako nakatiis at nagmaneho pabalik. Para kasing may kakaiba sa kilos niya.

Pagdating ko sa tapat nila rinig ko ang tahol ni Lexie na nagmumula sa loob.

"AIRA!" sigaw ko pagkatapos ko pindutin yung doorbell. Wala kasi lumalabas.

Kinabahan ako lalo baka kung ano na nangyari sa loob. Tahol ng tahol pa rin kasi si Lexie tapos nakailang doorbell na ako.

"Ralph, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Kuya William pagkababa niya ng sasakyan.

"Si Aira nasa loob. Kanina ko pa tinatawagan. Hindi sumasagot," tugon ko. Binuksan niya yung gate.

"Pasok ka na," aniya nang makapasok siya.

Umakyat agad ako sa taas para puntahan yung kwarto ni Aira pero nakalock ito.

"Aira, buksan mo ito."

Walang sumagot mula sa loob kahit nakailang katok na ako. Yung tahol lang talaga ni Lexie yung naririnig ko. Bumaba ulit ako.

"May extra susi ba kayo sa kwarto ni Aira?" tanong ko.

"Ang alam ko kinuha lahat ni Aira. Hindi pa rin ba sumasagot?" tanong niya. Umiling ako.

"Teka!" aniya may kinuha siyang parang mahabang wire. Saka umakyat sa second floor.

Sapilitan niya binuksan yung pinto gamit yung kinuha niya.

"Ayaw ni Ria na pinapasok kwarto niya pero kung ikaw naman siguro, hindi magagalit yun," paliwanag niya habang kinakalikot yung doorknob hanggang sa tumunog ito at mabuksan.

Pagkabukas namin agad lumabas si Lexie na may dugo yung balahibo.

"Lexie, bakit may dugo ka?" tanong ko sabay buhat dito para tignan kung may sugat pero wala naman siyang sugat.

Nilakihan ni Kuya William yung pagkakabukas ng pinto bumungad sa akin ang isang babaeng may laslas.

"Aira!" sigaw ko sabay baba kay Lexie at lapit sa kanya. Namumutla na ito. Pinapakiramdaman ko yung pulsuhan niya sa kabilang kamay na walang laslas.

Medyo nawala takot ko nung masigurado kong buhay pa siya. Napatingin ako sa tabi ko nang may napansin akong nakasulat sa sahig gamit ang dugo. May limang pangalan ang nandoon; Aira, Scarlett, Elisha, Inah at Raven. Yung pangalan na Aira may 'X'.

"Dalhin mo siya sa ospital nila Dane. Alam mo naman kung saan yun diba? Nasabihan ko sila soon para asikasuhin ka agad," utos sa akin ni Kuya William.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now