CHAPTER 20: HER GANGSTER SIDE

605 22 0
                                    

CHAPTER 20: HER GANGSTER SIDE

Ralph's POV

"Uminom ka na ng gamot," pangungulit ko kay Aira.

"Ayoko," tugon niya sabay layo sa akin.

"Kailangan mo uminom para gumaling ka."

"Wala akong pakialam. Basta ayoko."

"Wala din ako pakialam kung ayaw mo. Iinom ka pa rin ng gamot."

Tumakbo ako palapit sa kanya at tatakbuhan niya sama ako ngunit nahawakan ko ang kamay niya. Sinandal ko siya sa pader. Tinignan niya ako ng masama.

"Awww! Siyet!" sigaw ko saka napahawak sa ano ko. Tinuhod niya kasi ako bigla sa ibaba ko. "Lagot ka sa akin kapag nahuli kita!"

Sinundan ko siya sa kwarto niya ngunit nalalock ito. Buti na lang iniwanan ako ng susi ni Rex. Pagkabukas ko nito isang unan ang tumama sa mukha ko at sinundan ito ng isang sipa sa sikmura.

"Hindi na ako natutuwa sayo. Kahit babae ka pa papatulan kita. Kung gusto mo ng laban? Sige."

Sinara ko ang pinto saka siya inatake. Naiwasan niya niya naman saka muling sumuntok. Sinalo ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Sumipa siya subalit naiwasan ko ito.

"Alam kong gagawin mo yan."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya saka ko siya pinatid para matumba siya. Sinalo ko siya at hiniga sa sahig.

"Bitawan mo ko!" sigaw niya habang nagpupumiglas kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa dalawang kamay niya habang nasa pagitan ng hita ko ang katawan niya.

"Wala ka ng kawala sa akin."

Gamit ang isang kamay ko, kinuha ko ang gamot.

"Siyet! Papatayin kita kapag nakawala ako," sigaw niya.

Gulat na tinignan ko siya dahil ngayon ko lamang siya narinig magsalita ng ganun.

"Edi patayin mo," tugon ko.

"Talaga. Huma--"

Pinasok ko sa bibig niya ang gamot habang nagsasalita siya at bago pa niya ito iluwa, hinalikan ko siya. Hindi ko alam kung gaano katagal ko siya hinalikan bata tumigil lang ako nang marinig kong bumukas ang pinto.

"Ralph! Ano ginagawa mo kay Ria?" sigaw ni Rex saka ako sinapak.

Napahawak na lamang ako sa mukha ko na sinuntok ni Rex habang tinutulungan niya makatayo si Aira. Natigilan ako nang tignan ako ng masama ni Aira. Nakaramdam ako bigla ng kaba lalo na nung ngumiti siya na parang demonyo.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now