CHAPTER 35: MILLER FAMILY

557 18 0
                                    

CHAPTER 35: MILLER FAMILY

Ria's POV

Tinignan ko si Ralph habang naglalakad kaming magkahawak kami ng kamay. Nahihiya ako sa ginawa ko. Kasalanan yun ni Glaize, kung ano-ano kasi yung sinabi sa akin.

*Flashback*

Sinundan ko ng tingin sila Ralph habang palabas sila ng canteen. Nakakapit pa sa kanya si Jenny kaya lalo akong naiinis.

"Kung ako sayo sagutin mo na siya bago pa maagaw ng iba," sabi bigla ni Glaize.

"Kung mahal niya talaga hindi siya matutukso sa iba."

"Lalaki din yan. Matutukso din siya kahit mahal ka niya. Lalo na kapag..." lumapit siya sa akin para bumulong.

"Nagpakita ng katawan yung babae. Sigurado may mangyayari sa kanila," bulong niya kaya hinampas ko siya.

"Hindi ganun si Ralph. Wag mo siya itulad sayo," inis na sabi ko.

"Grabe ka sa akin. Kahit babaero ako isang babae pa lang naikama ko," sagot niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Sino? Si Nathalie?" tanong ko.

"Bakit sa akin napunta ang usapan? Balik tayo kay Ralph. Payong kaibigan lang, sagutin mo na siya bago pa siya makakita ng iba."

"Paano ko siya sasagutin, hindi naman siya nagtatanong?"

"Ganito gawin mo. Halikan mo siya tapos sabihan mo ng 'I love you' Ewan ko na lang kung hindi magtanong yun."

*End of Flashback*

"Lalabs!" medyo pasigaw na tawag ni Ralph kaya natauhan ako.

"Oh?" gulat na sambit ko.

"Kanina pa kita tinatanong hindi ka sumasagot. Tayo na ba?"

"Huh? Ah! Oo," wala sa sariling sabi ko. Bigla niya ako hinarap sa kanya.

"Talaga?" masayang tanong niya.

"Oo," nakangiting sabi ko. Siguro naman walang masama kung isipin ko naman ang sarili ko. Yung tipong walang Elliyah, Raven o Scarlett. Sarili ko ba muna ang iisipun ko. Gusto ko maging masaya kasama si Ralph bago ako mawala.

"Yes! Thank you! Mahal na mahal talaga kita lalabs. Alam kong hindi maiiwasan na masaktan kita pero pangako ko sayo, ikaw lang mamahalin ko," aniya sabay halik ng mabilis sa akin.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora