CHAPTER 54: AGENT AND THE GANGSTER

476 17 2
                                    

CHAPTER 54: AGENT AND THE GANGSTER

Elliyah's POV

"Bakit? Bakit mo yun ginawa? Ako sana ang nasa kalagyan mo," sabi ko kay Drew habang mahimbing itong natutulog. Natanggal na ang bala sa kanya. Kailangan na lang namin hintayin siyang gumising.

"Lalabs, nandito kuya mo," tawag sa akin ni Ralph.

"Elliyah, alam ba kung nasaan si Mommy?" tanong sa akin ni Kuya Clyde nang makapasok ito.

"Hindi. Bakit? Hindi ba siya nakaligtas sa pagsabog?" nag-aalalang tugon ko.

"Hindi pa siya nakakabalik pagkatapos nun. Wala din kaming nakitang bangkay niya sa HQ," paliwanag ni Kuya Bryan.

"Si Dad? Alam ba niya nawawala si Mommy?" tanong ko.

"Hindi namin siya macontact."

Napayuko na lang ako. Akala ko ayos na lahat. Hindi pa pala. Marami pa kami kailangan ayusin.

"Malaki na ang naitulong mo sa amin. Hayaan mong kami naman ang kumilos. Mahahanap din natin si Mommy. Kami na bahala dito. Hahanapin mo pa si Finah diba?" sabi sa akin ni Kuya Bryan.

Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Ihahanda na namin ang ticket mo paalis. Sakto babalik na sa Paris si Kyle. Sumabay ka na lang sa kanya."

"Pupunta ka Paris?" tanong bigla ni Ralph.

"Hindi mo alam? Aalis ng bansa si Elliyah para hanapin si Finah," paliwanag sa kanya ni Kuya Clyde.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi?" tanong ni Ralph.

"Sa labas tayo mag-usap," tugon ko saka tumayo upang lumabas.

Nagtunggo kami sa rooftop kung saan kitang-kita ang mga bituin. Hindi ko man lang napansin ang oras parang kanina lang nakikipagpatayan pa kami.

"Kapag ba niyaya kita sumama sa akin, sasama ka ba sa akin?" tanong ko. Hindi ito nagsalita. Tingin ko 'hindi' ang sagot niya. Sino ba ako para samahan niya? May pamilya siya dito.

"Nevermind. Alam ko naman hindi ka makakasama kahit yayain kita. Pasensya na sa pagiging makasarili ko. Ayokong mapalayo sayo. Ngayon na nahuli na si Mrs. Alford, wala ng dahilan para layuan kita," sambit ko.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now