CHAPTER 32: THE DECISION

516 18 2
                                    

CHAPTER 32: THE DECISION

Ria's POV

"Ria, may bisita ka!" sigaw ni Patrick.

Lumabas ako ng kwarto na gulo-gulo ang buhok ko. Wala akong pakialam kung matakot sa akin yung bisita ko dahil sa itsura ko. Ilang araw din ako tumambay sa kwarto para pag-isipan kun ano dapat kong gawin pagkatapos ko malamn yung tungkol kay Mrs. Alford.

Malinaw na sa akin na siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Ang natitirang tanong na lang sa akin kung nasaan ang kakambal ko at ano ba ang nangyari sa kanya pagkatapos namin pagtangkaan tumakas. Sabi ni Drew, tumakas daw kami pero nahuli daw ako at doon na lumabas si Raven. Pero bago yun? Ano nangyari?

Tuwing iniisip ko kung ano ba nangyari nung oras na tumakas kami ni Aira, sumasakit lang ulo ko. Malabo ang alaala ko tungkol doon.

Napahawak ako sa ilong ko nang mabunggo ako. Sa sobrang lutang ko hindi ko na namalayan na may tao pala sa harapan ko.

"Sorry," sabi ko kay Ralph dahil sa kanya ako tumama.

Tumawa bigla sila Dane.

"Ano nanaman katangahan yan Ria?" tanong ni Luke habang pinipigilang tumawa. Ilang araw na din ako ganito. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi na ako aware sa paligid ko kaya kung saan-saan ako nababangga o kaya kung ano-ano katangahan ang nagagawa ko.

"Ayos ka lang ba? Ilang araw ka na ganyan ah," tanong ni Josh.

"Yeah. Kayo pala yung bisita?" tanong ko kila Rex.

"Pinilit niya akong sumama dito. Nahihiya daw siya pumunta," tugon ni Rex sa akin sabay hawak sa balikat ni Ralph at hinarap sa akin. Bale nasa likod siya ni Ralph.

"Buti nakapasok kayo," sambit ko dahil mahigpit dito.

"Tumawag si manong guard dito, tinanong kung kilala daw natin sila dalawa. Sabi ko oo, papasukin na lang nila," paliwanag ni Patrick.

"Ano kailangan niyo kay Ria? Wag niyong sabihing pareho kayong nanliligaw sa kanya?" tanong ni Josh sa dalawa.

"Sinamahan ko lang si Ralph," tugon ni Rex kaya napalingon sila kay Ralph.

"Umm.. Ah.. ano..." kinakbahang sabi ni Ralph. Sa sobrang kaba niya siguro, hindi na niya alam sasabihin niya. Paanong hindi siya kakabahan? Kung makatingin sa kanya sila Dane, akala mo kriminal.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now