CHAPTER 19: NIGHTMARE

678 20 2
                                    

CHAPTER 19: NIGHTMARE

Ralph's POV

"~So I lay my head back down
And I lift my hands
And pray to be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope~"

Napatingin ako kay Aira nang marinig ko itong kumakanta habang pababa ng hagdan.

"Good Afternoon," bati niya sa akin saka ngumiti.

"Saan ka pupunta? Bakit ganyan suot mo?" tanong ko. Nakasuot kasi siya ng floral dress na kulay pink.

"Huh? Ah! Nagandahan lang ako kaya sinuot ko. Bagay ba sa akin?" tanong niya sabay ikot sa harapan ko.

Nanaginip ba ako? Totoo ba itong nakikita ko? Si Aira ba talaga itong nasa harapan ko?

Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Kung panaginip man ito please lang gumising ka na. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Ayos ka lang? Bakit sinasampal sarili mo?" tanong niya.

Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Namula tuloy," aniya habang hinihipo ito.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang lapit niya sa akin.

"Ganyan lang talaga si Ralph kapag nababaliw. Wag ka mag-alala," singit ni Rex sabay hila kay Aira palayo sa akin.

"Dude, pwede ka ng huminga," bulong niya sa akin at doon ko lang napagtanto na pinipigilan ko pa lang huminga.

"Nasaan na si Aira?" tanong ko.

"Pinapunta ko sa kusina para kumain."

Nagpunta ako sa kusina para tignan siya. Naabutan ko siyang kumakain habang pasulyap sulyap kay Brent. Umupo ako sa tabi niya para ubusin ang pagkain ko.

"Ralph, ikaw muna dito. Hatid ko lang si Xandra sa bahay nila," paalam ni Rex.

"Sige Dude. Ingat kayo."

Binalik ko ang tingin ko kay Aira at saktong nakatingin siya sa akin. Para bang may gusto siyang tanungin sa akin ngunit nagdadalawang isip ito. Biglang tumayo si Brent kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

"Tapos na ako kumain. Hintayin ko na ," aniya saka lumabas.

"May kanin ka sa mukha," sabi ko kay Aira sabay tangal ng kanin gamit ang hinlalaki ko.

"Salamat."

*****

Ria's POV

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now