CHAPTER 38: KARIBAL

538 17 1
                                    

CHAPTER 38: KARIBAL

Ria's POV

"Bakit kasama siya?" tanong ni Drew sabay tingin kay Ralph.

"Bakit? Ikaw lang ba pwedeng magpakilala sa Mama ng GIRLFRIEND ko," sagot ni Ralph.

"Hindi ikaw tinatanong ko."

"Wag kayo maingay. Pinagtitinginan na tayo," awat ko sa dalawa. Nasa loob kasi kami ng elevator para pumunta sa office ni Mama. Wala pa naman kami sa floor kung saan puro agent yung nakatira.

"Sorry," sabay na sabi nila.

Unti-unting nabawasany yung mga sakay ng elevator hanggang tatlo na lang kami. Pero muling tumigil ito at may sumakay na tatlong agent.

"Puntahan mo mama?" tanong nung isa sa kanila. Ningitian ko siya saka tumango.

"Doon din kami pupunta. Kinukuha na kasi yung report namin tungkol sa huling misyon namin," pagkukwento niya. May sumakay ulit na isa pero this time si kuya Clyde na.

"Nandito ka na pala," aniya sabay tingin doon sa dalawa. Biglang bumama yung tingin niya papunta sa kamay namin ni Ralph.

Hawak-hawak kasi ako ni Ralph. Ayaw niyang bitawan kahit na madaming tao. Gusto ko nga hilain dahil nahihiya ako pero hinigpitan lang niya yung pagkakahawak.

"Interesting..." aniya sabay ngisi. Napayuko ako bigla nang tignan niya ako.

"Mamaya punta kayo sa training room," sabi niya sa amin bago lumabas ng elevator.

"Goodluck mamaya," sabi ng tatlong agent kay Ralph.

"Goodluck saan?" naguguluhang tanong ni Ralph.

"Malalaman mo mamaya. Una na kayo sa taas. May dadaanan pa kami," tugon nito bago lumabas.

"Para saan yung goodluck nila?" tanong sa akin Ralph.

"Naalala mo yung test na sinasabi nila Josh sayo?"

"Oo."

"Ayun yun. Goodluck sayo," sambit ko sabay tapik sa kanya at nauna ng lumabas. Sumunod naman sila sa akin.

Kumatok muna ako sa pinto ng office ni Mama bago pumasok.

"Ma, nandito na kami."

"Pasok kayo," sabi niya sa amin saka nagpaalam sa kausap niya sa telepono.

Tumingin siya sa dalawang lalaking kasama ko.

"Ah! Ma, si Ralph nga pala... boyfriend ko."

Medyo mahina yung pagkakasabi ko sa 'boyfriend' dahil nahihiya ako.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon