CHAPTER 6: SK VS BDG

918 30 0
                                    

CHAPTER 6: SK VS BDG

Patrick's POV

Ngayon na ang araw ng laban namin sa Bloody Death Gang. Kinakabahan ako sa maaring maging resulta ng laban lalo na hindi namin alam kung nasaan ang leader namin.

'Pupunta kaya siya? Alam niya kaya na may laban kami?'

"Chill lang dude. Kaya natin sila!" sambit ni Vince sabay palo sa likod ko. Tinignan ko siya ng masama. "Pampatanggal ng kaba. Tara na!"

Lumabas na kami ng bahay para magtunggo sa secret field. Sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan.

Pagdating namin sa secret field wala pa ang Bloody Death Gang. Tanging ang Dark Royalties lang ang nadoon.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Dane kay Cyrus.

"Manood," tipid na sagot nito.

"Goodluck sa inyo," sabi naman ni Zyrille.

"Salamat," nakangiting sabi ni Dane kay Zyrille.

"Nasaan leader niyo?" tanong ni Drei.

"Wala siya ngayon," sagot ko.

"Miss ko na si Wordless. Ano na ba nangyari sa kanya?" tanong ni Zyrille.

Napatingin ako kay Dane. Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko kay Zyille dahil ako walang alam. Lahat kami walang alam sa kung saan na ba siya nagpunta. Hanggang ngayon hinahanap pa rin namin siya. Base sa tanong ni Zyrille, mukhang wala din siyang alam. Kung iisipin sa kanya pwedeng magpunta si Ria.

"Nandito na sila," sambit ni Luke habang nakatingin sa mga paparating na sasakyan.

"Let's start. Alam niyo naman siguro kung paano kami makipaglaban?" sambit ni Blood.

"Kulang kayo. Nasaan leader niyo?" nakangising tanong ni Viper.

"Mag-umpisa na tayo," seryosong sabi ko.

Nagkibit balikat na lang si Viper.

"Wait may audience pala tayo. Nandito ba kayo para mapanood ang pagkatalo nila?" nakangising sabi ni Fierce habang nakatingin kila Drei.

"Wag ka magsalita ng tapos. Baka kainin mo lang yang sinabi mo," sambit ni Dane na halatang nainis.

"Whatever," tugon ni Fierce.

"Come on! Hindi niyo kami matatalo kahit nagdadag kayo ng member. Kami pa rin mananalo," mayabang na sabi ni Black.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now