CHAPTER 24: SECOND DATE

644 22 0
                                    

CHAPTER 24: SECOND DATE

Third Person's POV

"Mom, pinatawag mo daw kami?" tanong ni Clyde.

"May binigay na impormasyon sa akin si Agent Lynx," tugon ng kanyang ina sabay abot ng folder kay Clyde. Tinignan nila ang laman nito.

"Saan naman niya nakuha ang impormasyon na ito," hindi makapaniwalang sabi ni Clyde.

"Sabi niya galing daw sa kaibigan niya. Hindi yan ang pinaka main base ng BSO. Pero ayon sa nakausap niya, kinukulong daw lugar na yan ang pamilya ng ibang member ng BSO. Ginagawa nila itong hostage para mapasunod ito sa gusto nila. Isa na doon ang kapatid ng kaibigan niya. Nakiusap sa akin si Agent Lynx na payagan silang sumugod diyan pero bago yun gusto niya muna masigurado kung totoo nga ang impormasyon na nakuha niya. Kaya naman pinatawag ko kayo. Agent Draco, Aquila, Hydrus, pumunta kayo sa lugar na yan at mag-imbistiga. Alamin niyo kung anong meron sa loob."

"Yes boss," sabay na sabi nila sabay saludo.

"Mag-iingat kayo."

Lumabas na sila Clyde sa opisina ni Mrs. Smith. Habang naglalakad sila napansin ni Clyde na tulala si Nick o Agent Hydrus.

"Ang lalim ng iniisip natin ha! May problema ba?" tanong ni Clyde.

"Kaibigan ba ng kapatid mo si Brent?" tanong ni Nick.

"Brent? Hmmm," pag-iisip ni Clyde o Agent Draco.

"Yeah. Kung hindi ako nagkakamali Drew ang tawag sa kanya ni Ria," sagot ni Dylan o Agent Aquila.

"Alam ko ang lugar na yan. Isa ang girlfriend ko sa hostage nila. Minsan na ako sumubok sumugod diyan pero kamuntik ko lang ito ikamatay. Pagkatapos ng araw na yun nag-imbistiga ako tungkol sa BSO hanggang sa nakilala ko si Bryan," pagkukwento ni Nick.

*FlASHBACK*

Habang naglalakad si Nick, aksidente siyang nabangga ni Bryan. Dahil doon nabitawan niya ang hawak niyang folder na may lamang impormasyon ng BSO.

"Sorry," sabi ni Bryan saka tinulungan si Nick na pulutin ang mga files.

"Ayos lang," tugon ni Nick habang nagpupulot din.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now