CHAPTER 2: PAGLULUKSA

1.4K 38 0
                                    

CHAPTER 2: PAGLULUKSA

Ria's POV

"Bakit ka naglilinis diyan?" tinigil ko ang paglinis  at napatingin sa may pinto. Bumungad sa akin si Rex na seryosong nakatingin  sa akin.

"Hindi ako makatulog," sagot ko sa kanya. Naisipan ko na lang kasi na ilibang ang aking sarili para hindi ko maisip si Khylle.

"Ako na diyan mamaya. Kasama ko si Zyrille."

Mabilis kong binitawan ang hawak kong pamunas at sumilip sa may hagdanan.

"Bakit hindi ka lumapit sa kanya?" tanong ni Rex.

Sinenyasan ko siya na wag maingay. "Sshhh"

Biglang napatingin si Zyrille sa pwesto namin kaya mabilis kong hinila si Rex para magtago.

Ang lungkot tignan ni Zyrille. Kasalanan ko ito eh. Wala akong kwentang kaibigan, ni hindi ko man lang siya madamayan.

"Anong balak mo? Bakit hindi ka na magpakita sa kanya?" tanong ni Rex, pagkabalin ng kwarto ng ate niya.

Umiling ako. "Pasayahin mo siya," seryosong sabi ko sa kanya.

"Hindi mo na kailangan sabihin yan sa akin. Ayun naman talaga gagawin ko. Pero hindi mo ba talaga siya kakausapin?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Mas maganda na yung ikaw lang ang nakakaalam na nandito ako."

"Okay, ikaw bahala. Baba na ako."

Tinanguan ko siya at saka pinanood ang paglabas niya sa kwarto.

'Sorry Zyrille. Sorry Khylle. Sorry...'

Hindi ako mapakali kaya naisipan ko na silipin sila. Nagulat na ako nang makita ko na binuhat ni Rex si Zyrille.

Ano gagawin niya kay Zyrille?

Napansin ko na paakyat sila kaya, muli akong nagtago. Pumasok sila sa kwarto ni Rex.

Hindi masyado sinarado ni Rex ang pinto kaya nagawa ko pang makasilip sa kanila. Hinanda ko na rin ang sarili ko. Baka kasi mamaya may gawin siya kay Zyrille.

Nakita ko na binabalutan ng comforter ni Rex si Zyrille at saka siya inupo sa kama.

"Ayan, pwede ka na ulit umiyak ka," sabi ni Rex. Nakatitig lang si Zyrille na halatang gulat na gulat sa nangyayari.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now