CHAPTER 53: ELLIYAH'S PLAN

426 17 1
                                    

CHAPTER 53: ELLIYAH'S PLAN

Drew's POV

Habang nagcocomputer ako, nakarinig ako ng kalabog mula sa labas. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko na may tumatakbong nakaitim.

"Tumakas nanaman siya," bulong ko. Ilang araw ko na napapansin ang paglabas ni Elliyah tuwing gabi.

Bumaba ako mula sa may bintana upang sundan si Elliyah. Buti na lang nilagyan ko ng tracker yung hikaw niya kaya madali ko siya masusundan kahit mawala siya sa paningin ko.

Nakita ko siya sa may tapat ng isang apartment. Ilang saglit pa pumasok siya doon. Sinungkit niya ang pinto upang mabuksan niya.

"Ano ginagawa niya sa loob? Nagnanakaw ba siya?" tanong ko sa aking sarili habang hinihintay siyang lumabas.

Pagkalabas niya may buhat-buhat itong tao. Nakapatong ito sa may balikat niya. Napadaan siya sa tinataguan ko. Akala ko nga lalampasan niya ako pero bigla siya huminto.

"Hanggang kailan ka magtatago Bal?" aniya sabay lingon sa tinataguan ko. Kinilabutan ako nang marinig ko ang malamig niyang tinig.

"Bal?" tanong ko sabay labas sa tinataguan ko. Hindi naman Bal tawag sa akin ni Elliyah.

"Pangalan mo yun diba? BAL, Brent Andrew Lim. Doon kita nakilala," paliwanag niya.

"Raven," sambit ko.

"Yeah! Tulungan mo ko dito," aniya sabay bogay sa akin ng katawan ng bitbit niya. Pagkatingin ko sa katawan ng binigay niya, nakita ko ang pagmumukha ni Kyzyl.

"Ano gagawin ko dito?" tanong ko.

"Balak ko umalis sa bahay para malaya ko magagawa ang plano ko. Pero hindi ko yun magagawa kung buhay si Elliyah. Gusto ko gamitin ang katawan na yan para palabasin na patay siya. Gawin mong kamukha ni Elliyah ang babaeng yan. Si Ralph, inutusan nilang patayin si Elliyah. Oras na kumilos si Ralph doon natin gagamitin ang katawan ng babaeng yan."

"Patay na ba ito?"

"No. Doon mo muna siya itago sa kwarto mo. Itali mo mabuti para hindi makatakas."

"Alam ba ni Elliyah, ang binabalak mo?"

"Hindi pa. Pero malalaman niya mamaya. Bilisan mo na diyan. Baka may makakita pa sa atin."

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now