CHAPTER 51: KILLING GAME

413 16 1
                                    

CHAPTER 51: KILLING GAME

Steven's POV

"Wala na ang Star Agency. Paano na tayo?" malungkot na sabi ni Ashley. Nandito sila ngayon lahat sa main house ng Smith Family. Ito na lang kasi ang natitirang ligtas na lugar dahil hindi ito mapasok ng kalaban. Yung iba sa mga agent nagkanya-kanyang tago na pagkatapos pasabugin ang HQ.

"Wag muna kayo mawalan ng pag-asa. Ang importante buhay tayo," sabi ni Clyde.

"13 na ang napatay na kasamahan natin sabi ni kuya. Hindi lang daw pagbomba ang ginawa nila. Nagpadala din sila ng mga assassin na papatay sa mga member natin. Katulad ng ginawa nila kila Mommy," napabuntong hininga si Ashley pagkatapos magsalita. Nawawalan  na talaga siya ng pag-asa.

"May balita ka na ba tungkol kay tita?" tanong ko kay Clyde. Kasalukuyan kasi nawawala si Tita Ariana. Walang nakitang bangkay niya sa HQ pero hanggang ngayon hindi pa ito nagpapakita sa amin.

"Sigurado ako nakaalis siya sa agency bago sumabog. Baka pinaghahabol na siya ngayon ng nga assasin na nakaabang sa agency para patayin yung mga makaligtas sa pagsabog," tugon nito. Kalmado lang ito habang nagpapaliwanag. Hanga na ako sa kanya. Nagawa niya maging kalmado sa kabila ng nangyayari.

"Tumawag si Dane. Nabaril daw Dad niya. Papunta daw sila ngayon sa America para doon magtago," balita sa amin ni Patrick.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Ganun din ang kay Clyde.

"Sunod na target nila ang WLO," basa ko sa text sa akin na nagmumula sa unknown number.

"What? Tatawagan ko si Dad," natarantang sabi ni Patrick. Si Clyde naman umalis muna habang may tinatawagan. Ako naisipan ko puntahan ang Dark Royalties dahil sigurado target din sila ng mga assassin.

"Pupuntahan mo ba sila?" tanong sa akin ni Stanley habang sinasabayan ako sa paglalakad. Tinanguan ko siya bilang tugon. Pansin ko wala si Luke.

"Nagtext sa akin si Luke. May umatake na daw kay Zyrene. Mukhang alam na niya na mangyayari ito," sabi niya sa akin.

"Wala tayo choice kundi makipagtayan sa kanila katulad ng isang laro. Kung sino unang mamatay, siya ang talo," sambit ko.

"Yeah. Papunta ako ngayon kila Zyrille. Ikaw ba?"

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now