CHAPTER 39: CRAZY IN LOVE

512 15 0
                                    

CHAPTER 39: CRAZY IN LOVE

Ria's POV

Mag-isa lang ako ngayon dito sa tambayan ng Dark Royalties. Lahat kasi sila nasa klase ngayon.

Habang nagsusulat ako napansin ko ang sunod-sunod na pag-ilaw ng cellphone ko. Kinuha ko ito para tigna kung ano bang meron.

7 message received. Binasa ko sila isa-isa saka nireplyan lahat. Ganun ako kasipag magtext.

=======

Dane: Tol, nasaan ka? Nakita mo na ba yung nasa bulletin board?

Me: Hindi. Bakit?

=====

Ralph: Lalabs, kumain ka na ba? Papunta na ako diyan. :)

Me: Hindi pa. Sige. :)

======

Patrick: Ria, kung saan ka man ngayon wag kang lalabas.

Me: Bakit? Anong meron?

=======

Josh: Alam mo na ba yung nakalat na balita? Ayos ka lang?

Me: Anong balita?

=======

Rex: Ria, may problema. May kumakalat na balita tungkol sayo.

Me: Ano bang balita? Pareho kayo ng sinabi ni Josh. Hindi ko naman alam kung ano yun.

=======

Audrey: Totoo ba na tumakas ka sa mental?

Me: Huh? Sino nagsabi sayo?

Audrey: Narinig kong usapan ng mga kaklase ko.

Me: Hindi nga? Seryoso?

======

Drew: May kinakalat na balita yung pekeng Kyzyl.

Me: Ano? Baliw ako? Takas ako sa mental?

========

Nilagay ko lahat ng gamit ko sa bag. Nawalan na ako sa mood gumawa ng kahit ano dahil sa mga nabasa ko.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Ralph dahil nakabag na ako.

"Tara kain tayo sa labas," pagyaya ko sa kanya pero ang ang totoo gusto ko malaman kung ano ganap sa campus.

"Dito na lang tayo, pwede?"

"Bakit? Dahil ba may kumakalat na balita?"

"Anong balita?" tanong niya. Kitang-kita ko sa mukha niya na clueless siya. Hindi niya ba alam?

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSWhere stories live. Discover now