CHAPTER 3: IPIS

1.3K 34 1
                                    

CHAPTER 3: IPIS

Ria's POV

Isang lingo simula nung tumira ako dito sa bahay ni Rex. Buti na lang may wifi dito kundi baka kung ano na maisipan ko gawin dahil sa sobrang bored hindi pa ako makalabas dahil alam kong kalat ba ang mga kapwa kong agent para hanapin ako.

*dingdong.dingdong.dingdong*

"REX BUKSAN MO ITO!" napabangon bigla si Rex. Nagkatinginan kami ni Rex.

"Si Ralph! Magtago ka muna!" sabi ni Rex sa akin.

Kinuha ko ang mga gamit ko at dali-daling pumunta sa kwarto ko para magtago. Dumapa ako sa kama at doon tinuloy ang ginagawa ko. Kasalukuyan ako nagreresearch tungkol sa DID. May nakita akong video kaya kumuha ako ng headset at saka sinaksak sa laptop bago ito panuorin.

Habang nanonood ako may napansin akong gumagapang sa gilid ko. Pagtingin ko doon agad akong napatayo at tumakbo palayo sa kama. Langhiyang ipis may balak pa yatang makinood sa akin.

Kumuha ako ng notebook at dahan-dahan na lumapit sa higaan ko para hamapasin ito, subalit bago ko pa ito mahampas bigla ito lumabas. Sa takot ko nahagis ko yung hawak kong notebook at napatakbo palabas ng kwarto.

"Aira?" kinabahan ako bigla nang marinig ko ang boses na yun. Tumingin ako sa gilid ko at doon nakita ko si Ralph na nakatayo habang gulat na nakatingin sa akin.

Pisting ipis yan! Sa sobrang takot ko na baka dapuan ako, nakalimutan kong nandito nga pala sila Ralph. Ano na gagawin ko ngayon?

"Ano ginagawa mo dito?" tanong niya habang salubong ang kilay.

Jusko! Ano sasabihin ko? Hindi niya pwede malaman yung tungkol sa sakit ko. Rex, nasaan ka na? Tulungan mo ko dito!

"Haist! Tara nga sa ibaba," sabi niya at saka ako hinila pababa. Nang makita kami ni Rex, nanlaki ang mata nito.

"Oh? Aira, ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Lance nang makita ako. Tinignan ko si Rex para humingi ng tulong sa kanya na magpaliwanag.

****

Ralph's POV

"Yow! Patambay kami!" sabi ko kay Rex, pagkabukas niya ng pinto.

"Lagi naman eh! May bahay naman kayo, bakit dito pa kayo tumatambay?"

"Boring doon sa bahay," sagot ko at saka pumasok.

"Yeah! Boring," sambit ni Lance habang sumusunod sa akin.

"Makiki-WiFi lang kayo," sabi ni Rex sa amin.

"Bakit mo alam?"

Tama kasi siya. Ayun talaga pinunta namin. May WiFi din naman sa amin kaso ang bagal kaya mas gusto na namin dito dahil mabilis ang internet.

"Akala niyo hindi ko napapansin? Bahala na kayo basta matutulog ako," sabi niya.

DARK ROYALTIES 3: HIDDEN MASKSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang