Epilogue

2K 43 4
                                    

Iginalaw ko ang aking mga kamay at nagmulat nakita kong may dumating na Doctor at mga nurse

Anong nangyayari bakit ako nakahiga dito? Asan si Kian?

"Check her vital sign" narinig kong sabi ng doctor

May ginawa sa akin ung mga nurse Ano ba talaga ang nangyayari?

"Stable Doc" sabi ng isang nurse

Lumapit sa akin ang Doctor

"Kamusta ka na Iha?" Tanong sa akin ng Doctor

"Mabuti naman po pero Bakit po ako nandito? Si Kian po kamusta na sya?"

"Nakaconfine ka dito" Ha? Pano nangyari un?

"H-ha? Pero bakit po? At Nasan po si Kian kasama ko lang po sya kanina ah?" Parang nagtaka naman ung doctor

"Sinong Kian? Ngayon ka lang nagising Iha sa pagkakacoma ng 3 buwan"

Hindi ako makapaniwala pano nangyari un eh kasama ko lang kanina si Kian? Atsaka 3 buwan na ako natutulog? Impossible

"Doc huwag ka ngang magloko dyan, Kasama ko lang kanina si Kian nakausap ko pa nga sya eh" naluluhang sambit ko nababaliw na ba tong doctor na toh

"Hindi ako nagloloko Iha Nacoma ka dahil sa pagkakabagok mo"

Napatawa ako ng malakas, bumangon ako pero nahilo ako kaya napaupo ako inalalayan ako ng nurse pero hinawi ko sya

"HUWAG NYO AKONG KAPITAN, MGA SINUNGALING KAYO ASAN SI KIAN? IPAKITA NYO SYA SAKIN" sigaw ko sa kanila habang lumuluha

Nagsisinungaling lang sila itinatago lang nila sakin si Kian gusto ko syang makita

"KIAN, KIAN" sigaw ko pero ng maalala kong wala na sya napahagolgol na lang ako kahit ung bangkay lang nya ang makita ko

"We have no choice nurse kapitan mo sya kailangan natin syang turukan ng pangpatulog para kumalma sya" sabi ng Doctor

May lumapit na dalawang nurse sa akin at kinapitan ako at ung isa naman ay may dalang syringe at naramdam ko ang panghihina ko at nakatulog ako

Calix POV
       
       Papunta na akong Hospital para makita si Alesha, Pagdating ko sa kwarto nya ay naabotan ko ang isang doctor at mga nurse anong nangyayari?

"Doc ano pong nangyari?" Nag aalala kong tanong

"Ikaw ang kaibigan nya diba? Asan ang mga magulang nya kailangan ko silang makausap?"

"Opo kaibigan nya po ako, Papunta pa lang po ang mga magulang nya dito"

"Sayo ko na lang muna sasabihin ikaw na lang magpaliwanag kay Mr. And Mrs. Mondragon"

"Sige po"

"Nagising na ang pasyente ngunit may hinahanap syang Kian ang pangalan sabi nya kasama nya lang daw kanina ngunit ngayon lang naman sya nagising at ung nurse ang huling nandito May kilala ka bang Kian?" Sino naman un sa tagal naming magkakilala ni Alesha hindi lang kakilala Magbestfriend pa wala naman akong nakilala na Kian ang pangalan

"Wala po Doc"

"Sa aking palagay ay nagkaroon sya ng hallucinations or nanaginip sya, Nag Imagine sya ng mga gusto nyang mangyari kong baga nanggawa sya ng sariling mundo pero masasagot lang natin yan pag nagising na sya ikaw na muna ang bahala sa kanya Mauuna na kami"

"Salamat po Doc" umalis na ung Doctor at kasunod ang mga nurse

Totoo kaya ung sinabi ng Doctor? Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan sya

Sana maging ok ka na Alesha nag aalala na ang mga magulang mo pati na ako...

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now