Part 12

1.6K 31 0
                                    

Pumunta na kami sa Canteen at umupo sa table na inuupoan ni Kian kasama nya rin pala si Daphne at hindi na nakapaghintay kumakain na kagad ang takaw talaga nitong besty ko

"Hi babes pasensya na natagalan ako"

"Ok lang babes pero kay Daphne hindi ata ok kaya nauna ng kumain haha"

Parang lalong pumutla si Kian? Hay huwag na nga lang pansinin baka nagpuyat nanaman

"Halata naman May ipapakilala pala ako sayo si Catherine nga pala Cath na lang for short"

"Hi Cath Ako nga pala si Kian Nice too meet you"

"Hi Kian Boyfriend ka ni Alesha?"

"Oo"

"Ay bagay na bagay kayo pero mas bagay kami nong food wait lang guys ha bibili lang ako ng makakain"

Umalis na si Cath

"New transferee ulit?"

"Oo galing sa LU dati siguro silang magkaklase ni Calix"

"Ang dami namang nagtratransfer na galing sa LU"

"Awan ko ba babes parang sinundan lang ni Cath si Calix parang Mag-ex ung dalawa hahaha"

"Hmmm siguro nga" tatanongin ko sana si Kian kong bakit ang tamlay nya pero biglang dumating na rin si Cath

"Alam mo Alesha parang alam ko na kong bakit ang sungit sakin ni Loverboy"

"Bakit?"

"Heartbroken hahaha" ehh? Hindi pa ba nya un alam eh diba mag ex nga sila?

"Ha?"

"Nevermind tara kain na tayo"

"Sinong Loverboy?" Biglang tanong ni Kian

"Si Calix the Loverboy" sabi ni Cath

"Bakit Loverboy?" Tanong naman ni Daphne habang ngumunguya

"Longstory tinatamad akong magkwento kasi nagugutom na ako" kumain na nga sya pati kami ni Kian ay kumain na rin

Bakit nga kaya Loverboy? Callsign nila nong sila pa? Hay nako kanina mo pa iniisip yan Alesha ay tumigil ka na nga magfocus ka na lang kay Kian

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now