Part 6

2.4K 46 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin ay dali dali na akong umalis, Hindi kasi ako lumabas kaninang break namin kaya gutom na gutom na ako at gusto ko ng makita si Kian.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko may tumatawag siguro si Kian 'to.

"Hello Babe? Asan ka na andito na ako sa canteen" bungad sakin ni Kian.

"Papunta na ako dyan dadaan lang ako sa locker room" paliwanag ko.

"Sige oorder na ako ng kakainin natin I love you"

"Sige babe, I love you too" binaba ko na ang tawag at nagmadaling pumunta sa locker room dahil may kukunin akong notebook para sa next class ko tinatamad na kasi akong dumaan dito mamaya.

Pagkarating ko ay dali dali kong binuksan ang aking locker at biglang may nalaglag na papel. Ano nanaman ba ito? Hindi pa rin ba nya ako tinitigilan? Tsk.

Bago naging kami ni Kian laging may nagpapadala sa akin na love letter nong una akala ko maling locker lang ang nilalagyan nya pero hindi pala kasi araw araw may letter sa locker ko kaya naman binuksan ko ito at binasa

"Hi Alesha! I hope you will have a good day"

From: C.C

Para sakin pala talaga 'to pero hindi ko na lang pinansin dahil gusto ko na non si Kian and loyal ako sa kanya. Paglipas ng panahon ay lagi pa rin syang nagpapadala ng letter pero nong sinagot ko na si Kian tumigil na rin sya at ngayon nga bumalik nanaman ang pagbibigay nya ng letter bakit kaya?

"Alam kong medyo nagkakalaboan na kayo ni Kian But Im here for you, Don't worry"

From: C.C

Sa totoo lang medyo natatakot na ako sa kanya pero hindi ko 'to sinabi kay Kian kasi tumigil na sya nong naging kami pero sasabihin ko na ba sa kanya ngayon? Hindi ko alam gagawin ko.

Napagdesisyonan ko na lang na huwag na baka kasi magkaron pa kami ng away, ayaw ko naman mangyari yun.

Itinapon ko na lang yung letter at kinuha ang aking notebook at umalis na para makapunta kay Kian.

Pagkarating ko sa canteen ay nakita ko si Kian na kapit nanaman ang Cellphone nya. Wala talaga syang katigilan sa paglalaro. Umupo ako at tinago naman agad nya ang kanyang cellphone, mabuti naman at alam na nya ang gagawin.

"Hi babe" bati ko sa kanya at humalik sa pisnge nya.

"Bat ang tagal mo babe? Lumamig na lang tuloy itong pagkain" nakasimangot na sabi nya.

"Hindi ko kasi mahanap ung notebook ko eh" pagsisinungaling ko at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ahh ganon ba sige kain na tayo" inabot na nya sakin ang kutsara at tinidor para makakain na ako.

"Teka lang babe, bakit parang ang putla mo?" Nagtataka kung tanong sa kanya. Ang putla nya ngayon ano kayang nangyari?

"Ahh wala lang 'to babe, huwag mo ng pansinin siguro gutom lang" umiwas agad sya ng tingin at deritso kumain. May hindi sya sinasabi sakin.

"Huwag ka ngang magpabaya ng sarili mo babe tsk" nag aalala kong sabi.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilan mag-isip sino ba ang nagpapadala nong letter nababaliw na ba sya? Nawala ang aking iniisip ng bigla na lang may umupo sa table namin ni Kian.

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now