Prologue

8.2K 175 9
                                    

"Welcome to Mobile Legends"

"Your relationship has been destroyed"

Bungad sa akin ng bestfriend ko na si Daphne.

"Ano ka ba, besty? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" Tanong ko.

"Hay naku! Ikaw kasi besty, tulala ka na naman. Sino ba ang iniisip mo?" Tanong niya. "Yung boyfriend mo na addict sa Mobile Legends?" Dugtong niya. Napailing na lang ako.


"Hindi, tungkol lang sa school works. Huwag ka na nga diyan maingay at baka mapagalitan pa tayo ng librarian." Aniko.


"Okay, I'm just going to read my favorite book here" She said as she put her attention back to the book she was holding.

Hay naku! Yung boyfriend ko talaga ang iniisip ko, masyado na kasi syang naaadik sa Mobile Legends at hindi na ako natutuwa.


Noong una, okay pa sa akin kasi syempre kung saan siya masaya ay okay ako doon pero these past few months hindi ko na nagugustuhan yung pagka-addict niya doon, kasi tuwing gusto kong makipagdate ang lagi niyang sinasabi ay busy sya, tuwing kumakain kami laging phone ang hawak niya, kwento ako nang kwento pero siya parang walang pakielam tapos tuwing gabi naman ay lagi siyang maagap natutulog pero hindi niya alam na alam ko na lagi siyang nage-ML pagkatapos niyang mag goodnight. Paano naman hindi malalaman eh nagma-My Day kapag nananalo siya.



Ayos lang naman sa akin ang paglalaro niya kaysa naman sa iba siya ma-addict at hindi siya nambabae pero kasi sobra na eh. Nawawalan na siya ng time para sa akin. Parang hindi ako ang girlfriend niya, parang yung Mobile Legends pa ang karelasyon niya.



Kaya ko pa ba? Gusto ko nang makipaghiwalay pero mahal ko sya. Kaya niya rin bang ipaglaban ang relasyon namin tulad nang paglaban niya sa Turret para hindi ito mawala? O mas pipiliin na lang niyang sumuko sa laban dahil alam niyang talo na at wala ng pag-asa? Pero sana ipaglaban niya ako para alam ko na may halaga rin ako sa kaniya at hindi lang ang Mobile Legends niya.

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now