Part 9

2K 44 0
                                    

Sa wakas nakarating na rin kami sa bahay pinagbuksan ako ni Kian ng pinto at sabay na kaming pumasok sa bahay

"Manang Andito na po kami"

"Neng andito ka na pala Sino yang kasama mo nobyo mo ba?"

"Opo manang Si Kian po pala"

"Magandang hapon po manang"

"Kagwapo naman nitong batang toh at mabait pa Gusto nyo ba ng meryenda?"

"Sige po manang manggagawa po kasi kami ng mga homeworks"

"Sige oo nga pala tumawag ang Mommy mo uuwi daw sila sa Sabado kasama ang Daddy mo"

"Bakit daw po?"

"Hindi ko alam neng pero ang pagkakaintindi ko ay darating na daw ang kapatid mo galing states sige gagawa muna ako ng makakain nyo"

Yess darating na si Kuya Stephen namimiss ko na sya ilang taon ko na syang hindi nakikita

Si manang na nga pala ang nagpalaki sa akin kasi busy sa work sila mom and dad bihira silang pumunta dito sa akin

"Tara na babes gawin na natin ung report nyo" sabi ni Kian

Kaya pumunta na kami sa sala at nagsimula na kami sa paggagawa

"Ayto na ang meryenda nyo"

"Salamat po Manang"

"Walang anoman Sige dito lang ako sa kusina kong may kailangan kayo puntahan nyo lang ako don"

"Sige po salamat ulit"

Umalis na si Manang at pinagpatuloy nanamin ni Kian ang paggagawa ng report

Makalipas ng ilang minuto ay natapos na rin namin ang report at ibang homeworks

"7:30 na pala babes dito ka na kumain"

"Nakakahiya naman mauuna na ako"

"Huwag ka ng mahiya atsaka tapos na ata magluto si Manang ng haponan kaya dito ka na kumain"

"Sige na nga babes"

Inayos muna namin ang mga kalat at saka nagtungo sa aming kusina

"Kumain na kayo nagluto ako ng adobong manok at Fried chicken"

"Wow ang sarap naman nyan Manang tara kain na tayo" sabay higit kay Kian

Naupo na kami ni kian

"Manang sumabay ka na po sa amin kumain"

"Nakakain na ako Neng Dito na muna ako sa likod at marami pa akong gagawin tawagin nyo na lang ako pag tapos na kayong kumain para mahugasan ko yan"

"Sige po Manang"

Habang kumakain ay nagkekwentohan kami ni Kian

"Hmm totoo nga ang kwinekwento mo sa akin ang sarap nga magluto ni Manang"

Ngayon pa lang nakapasok si Kian sa bahay namin pag hinahatid kasi nya ako hindi na sya pumapasok sa bahay awan ko ba dito kalalaking tao mahiyain hahaha pero lagi ko syang kwinekwento kay manang pati na rin kila mom, dad and kuya kaya parang kilala na rin nila si Kian

"Sabi ko naman sayo eh masarap talaga magluto yan si manang"

Tinapos na namin ang pagkain at tinawag na si manang para makapag paalam si Kian sa kanya

"Manang alis na po ako" paalam ni Kian

"Sige iho ingat ka May dala ka bang sasakyan?"

"Meron po Manang pinadala ko na po dito ung motor ko sa Driver namin"

"Ahh ganon ba mag ingat ka sa pagmamaneho at magsuot ka ng helmet"

"Salamat po Manang Sige po mauuna na ako"

Umalis na kami ni Kian sa kusina at si Manang naman ay naghugas na ng pinggan

Pagkalabas namin ay saktong naandon na nga ang kanyang motor pero wala na ung driver nila siguro umalis na

"Una na ako babe bukas na lang ulit gusto mo ba sunduin pa kita?"

"Huwag na babes may kotse naman ako atsaka mas mapapalayo ka pa"

Malapit kasi sya sa school ako medyo malayo kaya sya ang mauuna saming dalawa

"Gusto ko na rin magka kotse hahaha sige bukas na lang I love you"

"I love you too Bye bye"

Kiniss nya muna ako sa noo bago sya umalis pumasok naman ako sa loob ng bahay

***
Lagi na lang ba akong magmamasid sayo sa malayo at magpapadala ng sulat? Kailangan ko na bang umamin sayo pero ayaw ko baka kasi umiwas ka pag nalaman mo siguro sa susunod na lang pag naging mag kaibigan na tayo

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now