Part 25

1.5K 26 0
                                    

Natagalan ang mga Doctor sa pagchecheck sa kanya at ako naman ay nananalangin na maging maayos sya lumipas pa ang ilang minuto at lumapit sa amin ang Doctor Tumingin sya kay Tita

"Im Sorry Mrs. Pero lumalala na ang kanyang sakit lahat na ginawa namin pero wala talagang nagpapagaling sa kanya, Sa ngayon ay nagpapahinga sya pero maghanda kayo sa maaaring mangyari Una na po ako" umalis na ang Doctor kasama ang nurse ako naman ay hindi alam ang sasabihin parang na speechless ako

Si Tita ay lumapit kay Kian at hinagkan ang noo ni Kian

"Kaya mo yan anak Alam k-kong kaya mo yan" umiyak ng umiyak si Tita biglang gumalaw si Kian at nagmulat

"Ma? Bat po kayo umiiyak?" Biglang pinunasan ni Tita ang kanyang mga lumuluha at ngumiti ako naman ay nakatanaw lang habang tahimik na humihikbi

"Wala toh anak ok lang ako Gutom ka na ba?"

"Opo, Anong oras na po ba? At Nasan po si Alesha?"

Pinunasan ko muna ang aking luha at saka lumapit sa kanila na may pilit na ngiti

"Andito ako babes" ngumiti naman sya pabalik sa akin

"5 o'clock na anak bibili muna akong pagkain sa labas Anong gusto mo?"

"Ikaw na po bahala Babes nagkain ka na ba?" Hala ngayon ko lang naalala hindi pa pala ako nagtatanghalian kaya pala kumakalam na ang aking sikmura

"O-oo" pagsisinungaling ko ayaw ko kasing mag alala pa sya

"Magpabili ka rin kay Mama para tumaba ka" ikaw nga tong sobrang payat naluluha na naman ako pero hindi ko pinahalata

"Oo na po ihahatid ko lang si Tita paglabas babalik din ako Tara na po?" Naglakad na kami ni Tita palabas at ng makalabas ay tumigil lang kami sa may pinto

"Nag kain ka na ba talaga? Tanghali kita pinapunta dito at simula ng dumating ka ay hindi ka pa kumakain"

"Sa totoo lang po hindi pa po talaga ako nagtatanghalian nalimutan ko na po sa sobrang pag alala ko kay Kian nagsinungaling lang po ako kay Kian para hindi na po sya mag alala"

"Ano ka ng bata ka nagpapalipas ka ng gutom bibilhan na lang kita mauuna na ako ikaw na muna bahala kay Kian" umalis na si Tita at bumalik na ako sa kwarto napatakbo ako ng makita kong umuupo si Kian pero nahihirapan sya

"Babes mahiga ka na lang baka lalo ka lang nyan mahirapan" inalalayan ko sya sa pag upo

"Nangangalay na nga akong humiga eh Gusto ko ng umuwi Babes" sabay tinapik nya ung tabi nya umupo naman ako don

"Ano ka ba alam mo namang bawal ka pang umuwi huwag matigas ang ulo"

"Pero kasi ayaw ko na dito" naaawa ako sa kanya bakit kasi sya pa? Sumandal ako sa balikat nya ang payat na nya bakit hindi ko man lang napansin?

"Ang kulit mo talaga"

"Pero bakit hindi mo kagad sinabi?"

"Sabi ko naman sayo natakot ako, lalo na nong nakikipaghiwalay ka sakin kasi kaya mo nga akong iwan nong wala akong sakit pano pa kaya pag nalaman mong may Leukemia ako? Hindi ko kaya na mawala ka"

Humarap naman ako sa kanya at tumutulo na ang kanyang mga luha kaya pinunasan ko ito dahil hindi ko kayang nakikita syang nasasaktan

"Mahal na mahal kita hindi ko rin kaya na mawala ka hindi naman kita iiwan kahit may sakit ka kaya lang naman kita gusto hiwalayan noon eh dahil sa pagiging adik mo sa ml pero hindi ko talaga gustong mawala ka sa buhay ko kaya ng malaman ko na kaya Cp lagi hawak mo is para madistract ka sa sakit na nararamdaman mo" hindi ko na na pigilan ang aking pag iyak at niyakap ko si Kian

Parang nagulat pa sya sa sinabi ko

"Pano mo nalaman?"

"Sinabi sakin ng mama mo" niyakap ko sya ng mahigpit at nanalangin na magkaroon ng himala at mawala na ang sakit nya

"I love you! I love you! I love you! I love you! I love you!I lo-

Nagulat ako ng iharap nya ako sa kanya at halikan nakatingin lang ako sa kanya at ng makarecover ay pumikit ako at tumugon sa kanyang halik

Ng kinapos na kami ng hininga ay pinagdikit namin ang aming noo at tumingin sya saking mga mata

"I will always love you until my last breath" and nagyakap kami

I know you can surpass all of this Kian...

Ang Boyfriend kong Ml Playerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें