Part 1

4.5K 114 1
                                    

"Hello, babe? Nasaan ka?" Tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Nandito ako sa bahay, bakit?" Aniya.

"Wala naman, gusto lang kitang kamustahin. Ilang araw na kasi tayong hindi nagkikita" saad ko.

"Ha? Iyon lang ang tinawag mo? Nakakaasar ka naman, dahil sayo matatalo ako sa game ko eh sige bye na!" Inis niyang tugon.

"Sige by‐‐" bigla niya akong pinatayan ng phone. Bakit ba siya ganun? Hindi niya ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss ko na siya, ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil busy sa school tapos siya parang walang pakielam. Mahal niya pa ba ako? Nasasaktan na kasi ako. Hindi ko na ata kaya.


Unti-unting dumaloy ang luha ko sa aking pisnge. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa napagdesisyunan ko na makipaghiwalay na sa kaniya.


Alam kong masasayang ang isang taon naming pinagsamahan pero kasi hindi ko na talaga kaya at sana maintindihan niya.

Tinawagan ko ulit siya at buti na lang sumagot kaagad siya.

"Ano na naman?" HAHAHA! Nakakatawa naman yung pambungad niya.

"Let's talk" I coldly said.

"Bakit? Alam mo naman na on game ako, baka naman hindi importante 'yan." Singhal niya. Napapikit na lang ako sa inis at sakit na nararamdaman.

"Just please! Meet me in the park right now, importante 'to." aniko

"Okay, just wait for me there. Im just going to finish this." he said.

Hays! Mas inuna pa talaga niya 'yun, pero okay na rin basta makausap ko siya.

"Sige, hihintayin kita kahit gaano pa katagal." and I ended the call.


Nagbihis ako at nagmake up ng kaunti para hindi masyadong makita ang pamumula ng aking pisnge dahil sa pag-iyak.

Umalis na ako sa bahay at pumunta sa park. Naku! Wala pa rin siya. Umupo muna ako sa may bench at naghintay.

"Miss sayo ba tong panyo?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyun. Pagtingala ko ay isang lalaki pala, ang gwapo niya pero mas gwapo pa rin ang boyfriend ko. Stop na nga dapat nagmomove on na ako sa kaniya!

"Ah! Sa akin po iyan, salamat." Aniko bago kuhain ang panyo nang iabot niya ito sa akin.

"Sige! Welcome, ako nga pala si Calix." Pagpapakilala niya sa sarili.

"Nice to meet you, Calix. Ako pala si Alesha." I said in return and smiled at him.

"Nice to meet you too, Alesha. Sige una na ako sa'yo." Paalam niya.

"Sige bye!" Aniko.

Naglakad na si Calix palayo. Hays! Nasaan na ba yung Kian na 'yun? Ang tagal naman niya!


I waited for 15 minutes more. Mabuti naman at dumating na rin itong boyfriend ko pero hindi na mamaya.

"Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay!" Inis na saad ko.

"Sorry! Hindi kasi kaagad natapos yung game ko. Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong niya.

I let out a heavy sigh before looking directly to his eyes.

"Mag break na tayo"

Ang Boyfriend kong Ml PlayerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ