Part 4

2.8K 54 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng aking alarm, kaya naman pinatay ko ito at bumangon para mag banat ng buto.
Sobrang saya ko ngayon bumawi talaga sakin si Kian kahapon pagkatapos naming mamili ay gumala pa kami sa mall at nong gabi na ay kumain muna kami bago umalis.

Sana ay tupadin ni kian ang pangako nya sakin alam ko naman na walang salita na hindi nya ginagawa.

Anong oras na ba?

Tiningan ko ang phone ko 6:30 na pala may pasok pa ako ng 7:00 bakit hindi ko napansin ayan kakaisip ko kasi kay kian makaligo na nga.

Pagkatapos ko ng rituals ko ay bumaba na ako.

"Neng hindi ka ba muna kakain?" Sabi ni manang ng makita nya akong nagmamadaling umalis.

"Hindi na po Manang Sa school na lang po late na po kasi ako" paliwanag ko.

"Sige, basta kumain ka" bilin nya sa akin.

"Sige po alis na po ako" paalam ko at kumaway pa bago lumabas ng bahay.

Umalis na ako at sumakay sa kotse ko, Meron na akong kotse kahit senior highschool pa lang ako kasi sunod ako sa luho ko.

Pagdating ko sa school ay tumakbo na ako papuntang room dahil late na late na ako. Pagpasok ko sa room ay wala pa naman ang teacher namin kaya nakahinga ako ng maluwag, umupo na ako sa aking upoan at hinintay na dumating ang aming teacher.

Ilang minuto din ang lumipas bago dumating ang aming teacher na si Ma'am Joy at kasunod nya ay may pumasok na lalaki hindi ko masyadong makita yung mukha nya dahil nakaharang ang kanyang buhok at mukha syang bagong gising.

"Good morning class may transferee tayo From LU" bungad ni Mam.

Ano ba yan mag 2nd semester na bakit may magtratransfer pa? Nakakapagtaka naman.

"Please introduce yourself Mr." sumulyap si Mam don sa transferee at hinintay na magsalita ito.

Bigla nyang hinawi ang kanyang buhok at nagtilian naman ung mga kaklase kong babae at ang pinakamalakas ay kay Daphne, pagdating talaga sa lalaki tsk tsk. Ako naman ay walang paki dahil loyal ako kay kian malalagot ako don.

Pero nagulat ako nong pagtingin ko sa harap ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko. The fuck!? Pinaglalaroan ba kami ni tadhana?

Ang Boyfriend kong Ml PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon