Part 7

2.2K 50 0
                                    

"Hi besty" bati ko sa bestfriend ko na si Daphne.

Nakakagulat naman 'to si Daphne bigla bigla na lang umuupo dito sa amin. Akala ko si Calix--

Wait, Did I just said Calix? Bakit naman sya makiki upo dito? Bakit ko sya naisip? Tinanggal ko agad sya sa isip ko.

"Hello besty" nakangiti nyang sabi.

"Kamusta naman kayo ni Calix?" dugtong pa nya. Nagulat naman ako sa tanong nya at napatingin agad kay Kian. Bakit ba nya tinanong ang lalaki na yun? Hindi ba nya nakikita na nandito si kian, Hay naku Daphne lagot na.

"What about them Daphne?" Ang sama nanaman ng tingin nya sakin. Lord help me huhuhu kahit wala namam akong ginagawang masama ay pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko kay Kian.

"Ah-h andyan ka pala Kian" nagugulat na tingin nya kay Kian at tumingin sakin na parang nanghihingi ng tulong. Bahala ka dyan pinahamak mo ako, kaya naman tiningnan ko sya ng "ayusin-mo-sagot-mo-kundi lagot-ka-sakin-look."

"Kanina pa, Ano ngang meron sa dalawa?" nakakatakot naman ito si Kian magtanong.

"Ganto kasi yun si besty at si Calix ay partner sa reporting namin bukas kinakamusta ko silang dalawa kung ok ba sila sa isa't isa kasi kung hindi makikipagpalit ako para ako na lang ang partner ni Calix hehe huwag ka masyado dyang highblood Kian hindi mo naman kilala si Calix" pagpapaliwanag ni Daphne. Kilala namin sya Daphne kaya manahimik ka na lang, gusto ko ng sabihin yan sa kanya tsk.

"I know him Daphne. Kilala  namin syang dalawa ni Babe, diba Alesha?" At ngumiti naman sya sakin na halata namang pilit. Ngumiti na lang ako pabalik para hindi nya mahalatang kinakabahan ako ngayon.

"Ahh oo kilala na namin sya Daphne kahapon kasi nameet namin sya sa mall" paliwanag ko at ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Bakit ba ako kinakabahan? Calm down Alesha.

"Ikaw besty ha naglilihim ka na sa akin hindi mo man lang sinabi na may nakilala kayo ni Kian na pogi" hinampas pa nya ako dahil sa sobrang kilig.

"Haha ikaw talaga besty alam mo namang si Kian lang ang Pogi para sa akin" tumawa pa ako na halata namang pilit.

Tapos tiningnan ko sya ng "tumigil-ka-na-look"

"Ok, btw anong gagawin nyo sa report nyo?" hay naku! hindi talaga titigil hanggat hindi nakokontento. Ang kulit talaga ni Daphne.

"Sinabi ko sa kanya na ako na lang ang gagawa ng report at reviewin na lang nya. Ok na ba yung sagot ko? Pwede na ba tayong KUMAIN" may diin kong sinabi.

"Oh sige na nga mamaya na lang ulit kain muna tayo hahaha" hay salamat at naintindihan na nya pag misan kasi slow talaga ito si Daphne.

Tiningnan ko si Kian at mukha namang ok lang naman sa kanya yung sinabi ko pero hindi ko talaga maiwasang pansinin ang kanyang pamumutla hays, siguro nagpuyat nanaman ito. Hindi nya talaga mapigilan ang kanyang bisyo pero sana huwag nyang kalimotan alagaan ang kanyang sarili at pag aaral nya.

Ang Boyfriend kong Ml PlayerOnde histórias criam vida. Descubra agora