Part 26

1.4K 26 0
                                    

Ilang minuto lamang ay dumating na si Tita at may dalang maraming pagkain, natakam naman ako ng makita ko ang mga pagkain

"Kain na kayo" tapos binigay naman ni Tita samin ung mga pagkain

"Kamusta ka na anak?" Tanong ni Tita kay Kian

"Ok naman po medyo nahihilo lang po"

"Sabi ko kasi sayo mahiga ka na lang nagpumilit ka pang umupo" sabi ko kay Kian

"Ay sa ayaw ko na ngang humiga eh" tapos nag pout sya

"Hayst huwag na kayong mag away dyang dalawa" tatawa tawang sabi ni Tita

"Hindi kami nag aaway Ma ganto lang talaga kami maglambingan Diba Babes?" Tanong nya sakin pero hindi ko sya sinagot at tinawanan ko lang sya

"Aisshhh" napipikon na sabi nya

"Hahahaha joke lang babes ikaw naman minsan ka lang mabiro eh haha" sabay pisil sa kanyang pisnge

"Anong oras ka uuwi Alesha? Baka hanapin ka sa inyo mag gagabi na" biglang singit ni Tita

"Nakapagpaalam naman po ako sa kanila na kay Kian ako pupunta, tawagan ko na lang po mamaya na malalate ako ng uwi"

"Ahh sige"

Natapos na namin ang aming pagkain at si Tita na ang nag ayos ng aming pinagkainan

"Punta lang ako sa labas Babes tawagan ko lang si Mommy"

"Sige babes" lumabas na ako sa kwarto ni Kian at Nag dial sinagot rin naman kagad ni Mom

"Hello anak?"

"Mom? Mamaya pa po ako uuwi babantayan ko po muna dito si Kian sa Hospital"

"Bakit anong nangyari sa kanya?"

"Kwekwento ko na lang po mamaya pagdating ko"

"Sige anak pero kumain ka na ba? Atsaka pano ka uuwi wala kang dalang sasakyan, delikado naman kong mag tataxi ka"

"Kumain na po ako Mom, Itext ko na lang po si Kuya nasunduin ako"

"Sasabihin ko sa kanya, Mag-iingat ka at huwag na masyadong magpagabi ha Love you"

"Opo Mom Love you din po"

Pinatay ko na ung tawag at pumasok na sa kwarto ni Kian

"Nakausap mo na si Tita?" Tanong ni Kian

"Oo, magpapasundo na lang ako mamaya kay Kuya para hindi na ako magcommute"

"Mas mabuti un lalo na't masyado ng delikado sa panahon ngayon"

"Gusto mo na bang humiga? Baka nangangalay ka ng umupo?" Tumango lang sya kaya naman inalalayan ko sya para humiga

"Thank you Alesha dahil lagi kang nandyan para sa akin kahit na nalaman mong may sakit ako"

"Alam mo namang mahal na mahal kita eh" ngumiti ako sa kanya

"Tulog na muna ako inaantok na kasi ako Huwag ka ng magpagabi at may pasok ka pa bukas" sabi ni Kian

"Parang tinatamad na akong pumasok babes Gusto ko alagaan na lang kita"

"Ano ka ba babes? Hindi un pwede pumasok ka bukas haha"

"Oo na po"tapos natulog na sya

Sa totoo lang pinapahaba ko lang ang aming pag uusap dahil natatakot ako na ano mang oras ay bigla na lang syang kunin sa amin.

Walang minuto na hindi ako nakatitig sa mahimbing na natutulog na si Kian tinitingnan ko kong humihinga pa ba sya, Bakit nga ba hindi ko napansin ang kanyang pagpayat? Bakit hindi ko man lang inalam kong ano ba talaga ang nangyayari sa kanya nong napansin kong ang putla nya? Tapos ung mga pasa na nakita nila Mom? Psh nagsinungaling pa sya sa akin

"Alesha gabi na hindi ka pa ba uuwi? May pasok ka pa diba bukas?" Biglang tanong ni Tita

Tiningnan ko ung Cp ko kong anong oras na 8 na pala hindi ko man lang napansin

"Uuwi na rin po ako hintayin ko lang po si Kuya na dumating"

"Sige Alesha"

Nagtext na ako kay Kuya na sunduin na nya ako

Ilang minuto lamang ay nagtext sya na nasa parking na daw sya

"Tita alis na po ako andyan na po si Kuya"

"Sige Alesha mag-iingat kayo"

"Tawagan nyo po kagad ako pag may nangyari kay Kian"

"Sige neng" humalik muna ako sa noo ni Kian at sa pisnge ni Tita pagkatapos ay nagpaalam na ako

Sana walang masamang mangyari kay Kian.

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now