Part 29

1.7K 34 0
                                    

Pagdating ko sa parking lot ng Hospital ay kinalma ko ang aking sarili.

Hindi ko alam kong bakit nagagalit ako pero un ang nararamdaman ko ngayon siguro dahil nagsinungaling sya sakin, naging mabuti ako sa kanya tapos magsisinungaling sya, Bakit hindi pa nya sinabi nong una palang?

Hayst tama na nga toh pupunta na muna ako Kian panigurado nagtataka na un kong bakit late na ako pumunta dito

Naglakad na ako papasok sa Hospital at dumiretso sa kwarto ni Kian. Pagpasok ko ay naabutan ko si Tita na nagbabalat ng prutas at nakaupo naman si Kian habang nakain ng mansanas

"Magandang Hapon po Tita, Hi Babes" bati ko sa kanila

"Magandang hapon Neng' Late ka na ata Umuwi" tumingin ako sa orasan ko at 5:30 na 4:30 kasi uwian namin Anong idadahilan ko? Hindi naman pwedeng magsinungaling nanaman ako pero pag nagsabi ako ng totoo panigurado magagalit sakin si Kian, napabuntong hininga na lang ako.

"Ahh-h Nagpractice pa po kasi kami ng Volleyball ngayong week po kasi ang Sports Fest namin" tapos ngumiti ako para hindi ako mahalata na nagsisinungaling ako

"Oo nga sayang naman hindi na ako makakasali" sabi ni Kian

"Ano ka ba Kian? Ok lang un mas unahin mo ang kalusugan mo Maiintindihan naman un ng mga classmate mo" sabi ko sa kanya

"Oo nga anak mas mabuting magpahinga ka dito mapapagod ka lang don" sabi ni Tita

"Kumain ka na ba Alesha?"

"Opo kumain po ako bago pumunta dito" tapos umupo ako sa tabi ni Kian binigyan naman ako ni Tita ng Orange

"Salamat po" inalok ko si Kian pero mamaya daw dahil may Apple pa daw sya

"May nararandaman ka pa bang masakit?" Tanong ko sa kanya

"Wala nanaman pero Bakit ganon pakiramdam ko Mamatay na ako? Haha" tapos tumawa sya ako naman ay tinitigan lang sya namalayan ko na lang na may pumupunas sa aking mga luha

"Babes-s joke lang I-ikaw naman hindi mabiro-o" nagugulat na sambit nya

"Hindi kasi magandang biro un" hindi pa rin tumitigil ang mga luhang dumadaloy sa aking Pisnge

"Uy biro nga lang Huwag kang mag-alala hindi kita iiwan" sabay ngiti ng malaki

Pshh pag talaga ngumingiti ito napapawi ang galit ko Kaya ngumiti rin ako sa kanya at yumakap

"Huwag ka ng ulit magbibiro ng ganon ha?"

"Oo na babes ayaw ko naman na makita kang lumuluha kaya pag nawala ako huwag kang iiyak ha?" Sabing tigilan na un eh

"Baliw ka ba? Syempre iiyak ako non hindi naman ako manhid eh" bumitaw na ako sa aming yakap at sumimangot

"Oh? Bakit? Ano nanaman ginawa ko?" Tatawa tawang sabi nya

"Huwag mo kong iiwan ha?" Malungkot na sambit ko

"Promise hindi kita iiwan" Sana nga

"Promise yan ha?" Ngumiti lang sya

"Eheemm labas muna ako parang linalanggam na ako dito eh hahaha" sh*t andito pa nga pala si Tita nakakahiya ung ka emohan ko

"Sige Ma' hahaha" nakakaasar talaga toh si Kian

Lumabas na si Tita at humarap sakin si Kian ng may ngiting nakakaloko

"Anong tingin yan?" Inirapan ko sya

"Wala naman haha, dito ka sa tabi ko" tapos pinagpagan nya ung katabi nya lumapit naman ako ipinatong naman nya sa balikat ko ang kanyang ulo

"Alam mo ba Babes? Kong bakit ako nawalan ng oras non sayo?" Dahil nililibang mo ung sarili mo sa sakit pero hindi ko sya sinagot sa halip ay hinawakan ko ang kanyang kamay

"Dahil nahihirapan na kasi ako non hindi naman talaga ako na adik sa Ml eh minsan lang talaga ako maglaro nong time na lagi ako naglalaro don nagsimula ung pang gagamot sa akin Nagchemo ako nahihirapan na ako pero iniisip lang kita sabi ko non sa sarili ko kakayanin ko para sayo, Pag magkasama tayo at nakakaramdam ako ng sakit Nag momobile legends na lang ako para hindi mo mahalata na nasasaktan ako at tuwing gabi naman hindi ako makatulog dahil nahihirapan akong makatulog nililibang ko lang talaga ang sarili ko para hindi ako makaramdam ng sakit" napaiyak ako sa kanyang sinabi ganon na pala ang kanyang nararamdaman hindi man lang nya sinabi sa akin

Nagpatuloy sya sa pag sasalita
" Naalala mo ba nong tumawag ka sakin bago ka makipaghiwalay? Hindi talaga ako naglalaro non dumudugo kasi ung ilong ko non at ayaw tumigil pasensya ka na nagalit ako sayo pero ginawa ko lang un kasi baka pag nalaman mo mag alala ka kaya nong sinabi mo sa akin na gusto mong makipagkita kinabahan ako kasi pakiramdam ko may masamang mangyayari natagalan ako non kasi ayaw pa rin tumigil ang pagdaloy ng dugo sa aking ilong-g" nagulat ako sa kanyang sinabi tapos sinaktan ko pa sya nong nakikipaghiwalay na ako napakasama ko

Nanghihina na sya kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay gusto ko na sana syang patigilin sa pagsasalita kasi alam kong napapagod na sya pero nagpatuloy pa rin sya

"Pero mas masakit pala na iiwan ka ng taong mahal mo Alam mo ba Alesha? Mas masakit pa pala un kesa sa sakit ko" nakonsensya ako pero dapat sinabi nya

"Hindi ko alam ang aking gagawin pero nagmakaawa ako sayo at sobrang saya ko nong hindi ka na makipaghiwalay ginawa ko ang lahat para hindi ka na magkarason para hiwalayan ako pero habang tumatagal lalong lumala ang aking sakit at ng lagnatin nga ako ay halos hindi na ako makahinga kala ko mawawala na ako pero nagising na lang ako na nandito na ako sa Hospital ikaw kagad ang naisip ko kaya pinatawagan kita kay Mama at sobrang saya ko nong dumating ka at hindi mo ako iniwan nong nalaman mong may sakit ako" parang ayaw mag sink in sa akin ang mga sinabi nya sobrang nasasaktan ako sa mga sinabi nya

"B-bakit hindi mo kasi-i kagad sinabi sakin? Edi sana magkasama tayo sa pagharap ng problema mo Alam mo naman kahit anong mangyari ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko" ilang ulit ko na bang tinanong yan sa kanya? Alam ko nanaman ang sagot sa tanong na un pero pakiramdam ko hindi matanggap ng sistema ko ang dahilan nya

"Ayaw ko sabihin sayo kasi ayaw kong madagdag pa ako sa mga isipin mo"

"Pero Girlfriend mo ako dapat lang tulungan kita sa problema mo dapat inalagaan na lang kita hindi ung gusto ko pang makipaghiwalay sayo Akala ko napakasama mo pero baligtad pala dahil ako pala ang masama" humagolgol ako dahil nasasaktan ako sa mga nalaman ko

Umupo sya ng maayos at tumingin sa aking mga mata at sinakop ng kanyang kamay ang mga pisnge ko

"Huwag mong sabihin na masama ka Ako ang may kasalanan dahil hindi ko sinabi sayo"

"May kasalanan pa rin ako dahil dapat inalam ko kong anong nararamdaman mo pero hindi Wala akong kwentang Girlfriend"

"Huwag na nga-a natin-n pag usapan yan nakaraan na un-n atsaka-a kaya ko-o lang sinabi para alam mo-o pero hindi kita sinisisi dahil Mahal kita Mahal na  Mahal tandaan mo yan"

"Mahal na Mahal din kita Kian Ikaw lang at wala ng iba" ngumiti sya sa akin at sumandal ulit sa aking balikat

Nagkaroon ng katahimikan ilang segundo lang ay nagsalita na ulit si Kian

"Babes ok lang ba na magpahinga na ako? Pagod na Pagod na kasi ako" hahayaan ko na ba sya? Pero alam kong hirap na hirap na sya

"Sige Babes lagi mong tatandaan na-a Mahal-l na Mahal-l kita"

"M-mahal-l d-din kita-a Alesha-a" at naramdaman ko na lang ang paglaylay ng kamay nya at tuluyan na syang namaalam ng hindi ko na maramdaman ang kanyang paghinga

Umiiyak ako ng Umiiyak sobrang sakit

Paalam Kian hinding hindi kita malilimotan sana maging masaya ka sa iyong pupuntahan at Salamat sa lahat

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now