Part 5

2.5K 49 0
                                    

"Hello Everyone Ako nga pala si Calix Valdez not your typical guy" at kumindat pa ang loko. Halatang playboy sya, manloloko. Inalis ko agad sa isip ko yun, lagot ako nito kian dapat hindi ko na lang isipin si Calix.

"Ok Mr. Valdez you may take your seat" sabi ng aming teacher.

Nilibot ko ang aking paningin at pag minamalas ka nga naman ito pang katabi kong upuan ang bakante malamang dito sya uupo hays. Nagbubulongan ang mga kaklase kong babae at biglang kikiligin, mga kaklase ko namang lalaki ay walang paki. Napairap na lang ako. Umupo sa may katabi kong upuan si kian at ngumiti sa akin.

"Hi! Dito ka pala nag-aaral?" tanong nya sakin.

"Yeah, bakit nagtransfer ka?" ano ba namang tanong mo yan Alesha halatang ayaw mo sya dito eh, hindi naman sa ayaw ko pero ayaw ko lang magselos si Kian.

"Personal reasons bakit ayaw mo ba?" nagtataka nyang tanong.

"Hindi naman sa ganon" nahihiya kong sambit.

"Makinig na tayo kay Mam baka pagalitan tayo eh" dugtong ko pa.

"Hahaha good girl ka pala" natatawa nyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita at humarap na sa unahan para makinig kay Mam Joy.

"Magkakaroon tayo ng reporting by partner So be ready tomorrow" biglang announce ni Mam.

Ano ba 'to si Mam tomorrow agad kaasar naman kung kailan naman bumabawi na sa akin si Kian eh akala ko pa naman makakasama ko sya mamaya pero mukhang ito ang dapat kong unahin hays. Sinabi na ni Mam kung sino ang magkakapartner, si Daphne ang gusto ko pero babae at lalaki ang dapat mag partner at nong pangalan ko na hindi ko inaasahan ang sinabi ni Mam.

"Ms. Mondragon at Mr. Valdez kayo ang partner"

Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko at ako naman ay nanlalaki ang mata na napatingin kay Mam, muntik pa nga akong mapatayo sa gulat. Bakit sya? Ano bang meron samin dalawa at lagi kaming nagsasama tsk lagot ako nito kay Kian pano ko sasabihin sa kanya?

"Ayieeeee naman Alesha" kinikilig pa na sabi ni Alex, president namin. Napairap naman ako sa kanila.

"Ano ba kayo guys? May boyfriend na ako kaya huwag kayong parang baliw dyan gusto nyo kayo na lang ang pumartner sa kanya" naghahamon kong sabi.

"Oo nga naman! May boyfriend na yan si Alesha kaya huwag kayong ganyan ako na lang Calix Im single and ready to mingle" sabi ni Roxanne ang pinakamalandi sa room namin.

"Please be quiet Miss Agustin" sinita naman agad sya ni Mam. Buti nga sayo sabi ko sa isip ko, napakalandi talaga kahit kailan.

"Be ready tomorrow I'll be expecting a good report from all of you, Goodbye Class." umalis na si Mam pagkatapos magpaalam.

"Psst" biglang may kumublit sa akin at pagharap ko si Calix ang bumungad sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"San tayo gagawa ng report natin?"

"Ok lang ba sayo kung ako na lang ang gagawa? Tapos reviewhin mo na lang tapos magreport tayo pareho bukas" tanong ko, nagbabakasakali na papayag sya sa suggestion ko.

"Hindi ba magiging unfair sayo?" nagtataka nyang sabi.

"Hindi naman ok lang sa akin" ngumiti pa ako para makumbinse ko sya.

"Ayaw ko sanang tanongin pero umiiwas ka ba?" nag aalinlangan nyang sabi.

Nagulat naman ako sa deritso nyang tanong.

"H-ha? Bat ako iiwas?" nauutal kong sabi.

"Bakit nga ba?" ngumisi pa ang loko.

"Wala naman, gusto ko lang talagang ako na lang ang gumawa pero kung hindi naman ok sayo, Sige pwede ka naman tumulong" no choice baka isumbong ako kay Mam edi ako naman ang nalagot tsk.

"Ok lang sige ikaw na lang gumawa rereviewin ko na lang" nakangisi pa rin sya. Ano bang meron? Nakakainis naman sya.

"Sige" na sabi ko na lang.

Dumating na ung teacher namin na kasunod kaya umayos na kami ng upo at nakinig sa aming teacher. Gusto ko ng makita si Kian, bakit ba ang bagal ng oras hays.

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now